People need to understand that once you go through your worst times alone, you really don’t care who stays in your life anymore.
Sa panahon kasi ngayon, hindi mo na alam kung sino yung mananatali at magiging totoo sayo. Napaka hirap na mag bigay ng tiwala sa isang tao, kahit sa ka pamilya, kaibigan o sa karelasyon pa man.
Because at the end of the day, iiwan ka din nila mag isa at ituturing ka na parang walang magandang pinag samahan. Kapag nasira na yung samahan, mag paka buti ka man, yung mali mo pa din ang mapupuna at isusumbat sayo.
Sinasabi pa ng iba na “mag kakaayos din naman kayo”. Oo, andon yung pag papatawad at mag kakaayos ang bawat isa, pero hindi na maibabalik yung ganon sa dati na samahan dahil nag karoon na ito ng lamat.
Kaya natuto na ako simula nung nangyari yung mga pinag daanan ko noon, wala na akong pakialam sa ibang tao. Nawalan na ako ng gana sa lahat basta kung sino nalang yung nandiyan, yun nalang.
People nowadays come and go and that’s okay. Hindi naman sila deserving, kaya matuto tayo na kapag may gustong umalis sa buhay natin hayaan nalang natin kase wala naman silang magandang dulot sa buhay natin. Wag tayong matakot mawalan. Maging thankful tayo kasi inalis ni Lord yung tao na yun sa buhay natin. May kasabihan nga na “kapag may umalis, may dumarating” and mas better na para sayo.
Okay lang na mag isa sa ngayon, hindi naman ito pang habang buhay. Patiently waiting kase every wait has a worth.