Panibagong umaga panibagong problema ang kakaharapin ng bawat pilipino panibagong hirap at pagsubok sa buhay, pero hindi naman sa lahat ng oras ay problema na lang tandaan natin na iikot din sa lahat mararanasan din natin ang ginhawa sa buhay.
Iba na ang pagmamahal ngayon sugal na talaga
ang hirap magmahal ngayon, hindi mo na sigurado kung totoo o tunay yung mga pinaparamdam nya sa’yo, mamaya hindi lang pala ikaw yung mahal dalawa o mas madami pa kayo, sobrang pangit na ng generation ng love ngayon ano?
“Mahirap mabuhay ng mahirap”
Mahirap talaga mabuhay pag walang pera pero mas mahirap mabuhay pag walang hanapbuhay, sa panahon ngayon mahirap mabuhay dahil sa mga bilihin na matataas ang presyo, hagya ka na makaipon ng para sa’yo
“Gumala ka rin minsan habang bata ka pa”
Alam nyo minsan sa buhay hindi rin masama ang gumala, magsaya pumasyal at maglibang paminsan minsan dahil yan ay kailangan din natin maranasan sapagkat hindi naman pwede na puro lang trabaho nang trabaho, paano naman ang sarili mo at pamilya mo di ba kaya dapat gumala ka rin minsan.
” Ang tunay na buhay ay dapat nararanasan ng mga kabataan”
Alam nyo wag nyo sanayin yang mga anak nyo sa alwan ng buhay, wag nyo konsintihin sa mga bagay na gusto lamang nila at hindi naman nila kailangan sa buhay nila, once na nasanay na yan na ganyan ang trato nyo sa mga bata, I asure you na kayo din ang mahihirapan pag nagsilakihan na yang mga yan, iparanas nyo sa kanila ang tunay na buhay at hindi ang alwan, para pagdating ng panahon hindi sila magiging kawawa.
“Mahirap mabuhay mahirap din mamatay”
Ang hirap ngayon mabuhay sa panahong ito, sari’t sari na ang krimen, problema, issue sa gobyerno sa buhay at madami pa, ewan ko na lang kung di ka pa marindi sa paulit-ulit na nangyayari sa mundo at bansa, hindi mo na alam ang dapat mong gawin at kung sino ang dapat mong panigan at paniwalaan.
“Puro ka ba reklamo sa lahat ng bagay”
Palagi ka bang nagrereklamo? kung oo, pangit ang masyadong ma-reklamo kase tandaan mo hindi ka nya bibigyan ng madaming biyaya, kung lahat na lang ng bagay ay pinagreklamohan mo na aba mag-isip ka, ano bang gusto mo sa buhay na meron ka, matuto kang makontento at magpasalamat sa biyayang binigay sayo.
“Wag mong pag dudahan ang sarili mong kakayanan”
Kapatid kung ikaw ay nag dududa sa kakayahan mo mag isip ka ikaw yan eh bakit mo pag dududahan ang sarili mong kakayanan kung nagagawa nila magagawa modin naka depende nalang yan sa diskarte at tyaga mo kung papano mo gagawin ang isang bagay
“Hindi madali ang magtrabaho”
Kung nahihirapan kang sumunod sa boss mo sa trabaho umalis ka magnegosyo ka na lang ng sa’yo kung hindi mo na talaga kaya umalis ka at maghanap ng bago, kung hindi mo kayang sumunod wag ka ng magtyaga.
“Maging matalino sa pag dedesisyon”
Ang buhay natin ngayon ay isang palaisipan na kailangan sa bawat desisyon mo ay magiging maayos ang lahat hindi lang basta-basta gagawa ka ng hakbangin na hindi mo alam ang kahihinatnan.