Isa akong studyante na nangangarap lang makapag tapos at mabigyan nang magandang buhay ang aking pamilya.Ngunit di ko pala napapansin ang aking sarili na lubos ko na itong napabayaan.Hingid sa kaalaman nang aking magulang na okay lang ako sa bawat araw na kinakamusta nila ako.Hindi ko masabi sakanila ang tunay kong nararamdaman,hindi ko masabi na hindi ako okay.Gusto ko sabihin na “Ma suko na po ako”, “Ma ayaw ko po nang gantong pakiramdam”, ” Papa pagod na pagod na po ako”.Ilan lang yan sa mga gusto kong sabihin ngunit hindi ko masabi sa kadahilanang ayaw ko silang mag-alala,ayaw kong dumating yung araw na pati sila mawalan na din nang pag-asa.Tama, sila nga ang aking kahinaan sila ang dahilan kung bakit kailangan kong tatagan ang aking loob kahit malayo kami sa isa’t isa.Kailangan kong ipakita na kaya ko kahit alam ko sa sarili kong hindi ko na talaga kaya.Sa kabila nang lahat,kahit akoy pagod na pagod na sila pa din ang aking kalakasan.Sila ang dahilan kung bakit nagagawa ko lahat nang ito. Sinabi ko sa sarili ko na kahit gaano kahirap at kasakit na malayo sila saakin.I’ll do my best para maging proud sila sakin.Ma,Pa inaalay ko po ang aking pagtatapos para sainyo at mga kapatid ko