Nag simula naman tayo ng walang wala. Na buhay ng simple at payapa noong mga bata pa, na kahit sa simpleng bagay ay tayo’y sobrang saya na.
Ito yung mga bagay na nais nating balikan sa tuwina.
Minsan napapa isip nalang tayo bigla na “bakit ganito?”
Bakit parang ang hirap makuntento, sa kung anong meron tayo. Ang sarap balikan ng nakaraan, na kapag nakatanggap tayo ng piso o kahit limang piso ay para na tayong nanalo at bakas sa mga mukha ang saya. Hindi tulad ngayon na, nakakatanggap na ng malaking halaga ay parang kulang pa at nais ng mas higit pa.
Minsan pa nga, may mga bagay tayo na pinagdarasal, at kapag nasagot na ay hindi na nating maalalang mag pasalamat sa Diyos. At ang masaklap na katotohanan ay atat na hihiling ng mas higit pa, at kapag patuloy na nakatanggap ng pagpapala ay nakakalimot na mag pasalamat sa nasa itaas.
Bakit hindi tayo makuntento sa kung anong meron tayo. Bakit hirap tayo maging masaya sa kung anong meron lang tayo.
Bakit kaya ganito?
Dahil ba nakikipag kumpitensiya ka, kahit wala namang laban o kalaban. Dahil ayaw mo bang malamangan? O baka dahil ayaw mong mag pahuli at gusto mong sumabay sa uso dahil takot kang mahusgahan.
Mahirap makuha ang mga gusto o pangarap natin, kung ang nais ay makipag kumpitensya sa iba. Masayang mag tagumpay kung sarili mo itong pag hihirap at wala kang inaapakang ibang tao.
Tao lang tayo, kaya pa natin mag bago at maging masaya sa buhay na kung anong meron palang tayo. Dahil kung para sayo, ay para sayo talaga.