Mga bagay na dapat ay ginagawa natin sa isang relasyon upang tumatag at tumagal ang pagmamahalan. Mananatili ang interes sa isa’t isa at hindi manlamig ang isang relasyon. Mananatiling masaya ang relasyon hanggang dulo o hanggang ating pagtanda. Masarap sa pakiramdam na mainlove subalit may kaakibat na mga responsibilidad ito sa atin oras na pumasok ka sa isang relasyon.
“Pagbibigay ng TIWALA”
Sa isang relasyon, mahalaga ang TIWALA ninyo sa isat-isa para mas lalo kayong mag tagal. Huwag kang mahihiyang maging Open sa taong mahal mo, dahil maiintindihan ka naman niya kung mayroon kang problema. At dapat maging Open din siya sa iyo, at handa kang makinig sa lahat ng gusto niyang sabihin. Kailangan din pang unawa sa bawat pag oopen ng isa’t isa dahil wala naming ibang mag tutulungan kundi kayong ring dalawa.
“Halaga sa ISA’T ISA”
Kailangan iparamdam mo sa kanya kung gaano mu siya ka mahal at kung gaano siya ka halaga sa buhay mo. Para maramdaman niyang importante siya sa iyo. Importante na maipakita mo sa kanya kung gaanu siya kahalaga upang hindi siya laging duda ng duda sa iyo. Alam natin na masarap sa feeling ang umiibig lalo kung nakikita ng isang tao ang halaga nya sa iyo kaya’t wag tayong magdalawang isip na iparamdam ito sa kanila.
“Paglalaan ng ORAS”
Palagi kang mag lalaan ng oras para sa mahal mo, at kahit na busy ka dapat mag paramdam ka man lang at sabihin mu sa kanya ang totoo, i-text or tawagan mu man lang siya kahit mga 5 minuto kung bakit ka busy at walang time, para hindi niya isipin na kinakalimutan muna siya. Mahalagang makapag paalam sa kanya at alam kong alam nating lahat na maiintindihan nya un dahil ikaw ay nasa work. Sabhin natin ang totoo sa kanila upang walang hinala na mamuo sa damdamin ng isa.
“Pakikinig sa PALIWANAG”
Kapag mayroon siyang nagawang kasalan, dapat pakingan mo muna ang paliwanag niya at alamin ang totoo at huwag padalos dalos mag desisyon na makipag hiwalay. Dahil kung mahal mo siya, maiintindihan mo, malay mo kaya niya nagawa iyon ay dahil din naman pala sa iyo. Wag nating pairalin ang mga bagay na alam natin na walang maidudulot na maganda sa atin.
“Araw ng inyong BONDING”
Dapat minsan sa isang lingo mag lalaan kayo ng time para mag Bonding.
Lumabas kayo at kumain, manuod ng sine or mamasyal, para hindi naman maging boring ang relationship ninyo. Bigyan natin sila ng halaga at kahit busy tayo ay hindi naman un dahilan para mawalan tayo ng time para sa kanila. Mahalaga na maiparamdam natin sa kanila na sila ay special sayo at para hindi magsawa ang isa sa inyong relasyon.
“Huwag Sobrang Sweet”
Huwag kang maging masyadong sweet sa kanya kase nakakaumay din, dapat katamtaman lang para hindi medyo OA, at dapat minsan asarin mu din at kulitin, para malaman mo kung hanggang saan ka niya kayang intindihin. Mahalaga na malaman natin ang hangganan ng kanyang pasensya upang hindi tayo magulot ng pagkainis sa isa’t isa. Minsan pagnararamdaman natin na nawawalan ng time eh tayo na mnsmo ang gumawa upang maibalik ang gana sa isang relasyon.
“Pagbaba ng PRIDE sa Tampuhan”
Kapag nagkaroon kayo ng Tampuhan or hindi pagkakaunawaan, kausapin mo siya, at huwag mong pairalin ang Pride. Ikaw na mismo ang lumapit kahit na siya ang may kasalanan, dahil mahal mo siya at ayaw mong mawala. Pero dapat ganun din siya sa iyo. Wag tayong magsasawa na pagpakumbaba dahil ito ay makakabuti sa ating relasyon. Pag usapan ang dapat pag usapan at wag hayaang tumagal ang tampuhan dahil ito ay lala lamang at yan ay tamdaan. Kapag para sa taong mahal mo kaya mong humingi ng sorry kahit sya ang may mali pero dapat alam din natin ang limitasyon ng bawat isa.
“Pag-iwas sa PINAG-SESELOSAN”
At kapag sinabi ng mahal mo na nagseselos siya, sabihin mo sa kanya na “SINO BA ANG PINAG-SESELOSAN MO AT LALAYUAN KO” para maramdaman niya na mas mahal mo siya kaysa sa iba at dapat iwasan mo na din ang pinagseselosan niya hanggat maaari. Ito ay para hindi magalit at layuan ka ng iyong mahal. Alamin natin ang mga bagay na dapat ay hindi na natin dapat gawin at kung maari ay iwasan. Alamin din natin kung nasa lugar ang pagseselos dahil may mga tao lang talaga na sobra ang seloso at halos lahat ay pinagseselosan na hindi naman na dapat.
“Pagkayo ay MAGKASAMA”
Kapag mag kasama kayo, dapat huwag kang mahihiya, ituring mo siyang parang iyong kaibigan at mahalin mo siya bilang iyong kasintahan. Masarap sa pakiramdam yung itututring kang prinsesa o prinsipe at ipagmamalaki ka kahit na kanino kaya’t wag nating ipagkait ito sa kanila. Deserve nila un kase sa una pa lang na nanliligaw tayo eh sinasabi natin un sa kanila kaya panindigan natin hanggang sa huli.