Naranasan mo na bang maramdaman yung sakit na akala mo’y wala ng katapusan?
Naransan mo na bang umiyak ng walang nakakaaalam? Yung tipong akala ng ibang tao na okay ka lang pero hindi nila alam never ka naman naging okay. Sabagay hindi naman sila mang huhula para malaman kung nasasaktan ka ba o may dinadala kang problema.
Hindi nila alam na kailangan mo ng kausap kasi hindi mo na alam kung ano ang tumatakbo sa iyong isipan. Hinihiling mo nalang na sana hindi nalang nangyari ang mga ganitong bagay, na sana okay pa katulad ng dati. Kasi hindi na din naman natin maiwasan na hindi umiyak pag masakit na, pag sobra na! Yung tipong hindi mo na din malabanan yung sarili mo.
Sabi nila “pag subok lang yan”. Ang tindi naman ng pag subok na yan, parang lahat gusto nalang sumuko.
Hindi ba ito pwedeng maiwasan? Sa dami ng pinag dadaanan mapapasabi ka nalang na “pag subok, pwede hinay hinay lang naman mahina ang kalaban.” hays tao lang naman ako, napapagod din.
Pwede ba mag time freeze pag dinadalaw ka ng pag subok kasi hindi ko na kaya ang sakit sakit na!
Akala ko kilala ko na yung sarili ko na matapang, pero hindi pala! Ngayon napag tanto ko na yun pala ay tapang tapangan lang. Kasi tao lang naman tayo na nasasaktan, tao na may nararamdaman, napapagod, sumusuko at humihina. Kasi ako yung tipo ng tao na hindi lahat kaya.
Kaya minsan masasabi mo nalang na “tama na”, pero kailangan pa din nating lakasan ang ating loob dahil hindi tayo pwedeng huminto sa buhay.