Simula nung ikaw ay aking nakilala halos hindi maipaliwanag ang saya na aking nararamdaman. Mga ngiti sa aking labi ay hindi na mabura. Alam ko na may dahilan kung bakit binigay ka sa akin ng tadhana sana naman ay hindi ikaw ang maging dahilan ng pagpatak ng aking mga luha.

 Ayoko ng mawala itong chance na ‘to dahil ito yung matagal na panahon kong binuo ulit. Ikaw yung pahinga ko sa mga sandalling hindi na kinakaya ng puso ko. Sa mga panahon na nais ko ng sumuko at bitawan na ang mga pagsubok na kinakaharap ko pero napag tanto ko paano kung susuko ako, paano yung pag ibig na sobrang tagal ko na binuo.

 Ikaw ang nag silbing inspirasyon na harapin ang mga hinaharap sa kasalukuyan dahil sayo ko nahanap ang pag ibig na matagal ko nang nais matagpuan.