May karapatan ka pang magreklamo sa mga bagay na lahat nalang nasa’yoHindi ka makontento sapagkat ninanais mo ang mas higit pa ritoMatuto kang magpahalaga sa mga ‘yan sapagkat baka isang araw maglaho ang lahat at doonmo lang matatanggap ang kasabihang;Sana noon pa, sana nakontento ako, at hindi pinangunahan ng pagrereklamo
Sa mundong hindi na talaga bago ang pagrereklamo Ngunit sana isang araw maisip mo kung saang mundo ka ba talaga dadalhin nito Sa mundong gugustuhin mo sa hinaharap O sa mundong ipapadama sa’yo ang lahat ng hirap.
Napakaraming mga bagay na maari mong gawin at tapusin Ngunit bakit nga ba may kaakibat ito sa dulo palagi Hindi mo nagagawan ng aksyon bagkus reklamo agad ang bulalas ng matatalas mong dila Ganyan ang mga pinoy, walang aksyon kung walang kaakibat na reklamo
YUNG PURO KA REKLAMO SA BUHAY MO PERO NILAGAY MO SA RESUME MO WILLING TO LEARN.
Labag man sa kalooban, ngunit dapat na sundin Utos na sa iyo’y iniatang samahan ng gawa at aksyon man. Ngunit papaano nga ba sumunod ng walang kaakibat na pagrereklamo? Kung ang gawing ito taliwas at andyan na sa katawan mo.
Sa mundong puro reklamo Baka ikaw na ang daan para ito’y mabago Baguhin ang taliwas na pag-iisip Bagkus lapatan at bigyan ng tamang gawi.
Simulan mo sa sarili mo kung paano pahalagahan ang maliit na bagayWala kang karapatang magreklamo sapagkat pakainin at demanding ka lang namang totooMatuto kang magpasalamat sa mga natatanggap mong ‘yanBalang araw hindi kana magrereklamo bagkus mapagtatanto mo na mahalaga pala ang mgakapirasong ito.
HINDI MO TAGA SILBI ANG MGA MAGULANG MO MALAKING KASIYAHAN PARA SAKANILA NA KUSANG LOOB KANG TUMUTULONG, KAYSA INUUTUSAN KA HABANG IKAWAY NAG DADABOG AT MASAMA PA ANG IYONG LOOB.
Recent Comments