Hanggang saan,Hanggang Kailan.Tanong ng puso kong kailangan intindihin ang tumatakbo sa aking isipan.Kaya pa bang ituloy ang lahat nang ito? Kaya ko pa bang habaan ang pasensya ko para manatili sa relasyong ito.

Mahal, mahihintay pa ba kita? Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa tuwing nakikita kitang nakangiti ngunit hindi ako ang dahilan.Aasa pa ba akong babalik ka?O hahayaan nalang kitang maging masaya sa piling nang iba.Binubulong Isipan ko’y intayin ka ngunit sabi ng puso ko’y hanggang kailan pa? Kung ang iyong paglisan ay nararamdaman ko na.

Naniniwala na ako sa kasabihang” Sa una lang masaya”.Hindi ko alam kung maibabalik ko pa ang dati mong pag-ibig sakin ngayon ay nasa ibang tao na.Dalawang mahalagang bahagi ng aking pagkatao ISIP AT PUSO ngunit Iisa lang ang nasa Isip ko ngayon,yun ay intayin ka.

Mahal, Hangga’t alam kong may pag-asa pa.Mag aantay ako,hihintayin ko ang yong pagbabalik hanggang sa huling sandali ng aking buhay.