Kung ang pag layo ko, ang mag papaligaya sayo.
Kung ang pag laho ko, ang makakapag palaya sayo.
Hindi ko na pipilitin pa, hindi na kita papahirapan pa. Alam kung ito lang ang tanging magagawa ko. Para hindi kana mahirapan pang manatili sa kung ano mang meron tayo.
Ako yung unang bumitaw, pero hindi ibig sabihin non wala na akong nararamdaman para sayo. Sa ating dalawa ako yung unang sumuko, pero hindi ibig sabihin non agad agad kitang kinalimutan. Ilang beses ko ding sinubukan na ipaglaban ang ating pag mamahalan, dahil don ilang beses din akong nasaktan.
Naalala ko pa noon, na sa tuwing kasama kita wala akong ibang nararamdaman kundi ang lungkot. Dahil ramdam ko na pilit lang ang lahat, at hindi totoong masaya ka, kapag kasama mo ako.
Alam kong naaawa ka lang sakin, kaya nanatili ka pa. Natatakot ka lang na masaktan ako kaya nanatili ka pa, kahit ayaw mo na.
Hanggang umabot sa punto na hindi ko na kaya ang pag papanggap mo, kaya mas pinili ko nalang na ako yung bumitaw kesa masaktan sa pag mamahal mo na pilit lang ang lahat.
Patawad kung ilang beses kong pinag pilitan na pwede pa, kahit ika’y sukong suko na. Kahit meron pa tayo nung mga panahon na yon, alam kong iba na ang nandiyan sa puso mo, pero pinag pilitan ko pa din na “ako pa”.
Ngayon tanggap ko na at nasasanay na din ako na sarili ko nalang ulit, pero sa tuwing na aalala ko nakakalungkot pa rin pala na wala kana.