Dahilan kung bakit ka Nasasaktan
Bakit sa dinami daming tao sa mundo, tayo pa itong sinasaktan. Ni hindi ba nila alam ang tunay nating nararamdaman o sadyang manhid na talaga sila upang gawin ito ng paulit-ulit.
Siniseryoso natin yung mga taong ang alam lang gawin ay ang paluhain ka.
Bakit nga ba tayo nasasaktan? Marahil sa mga bagay na alam nating mali pero pilit pa rin nating ginagawa. Sabihin na nating mali pero hindi naman masama ang magmahal, marahil ang mali lang nating nagawa ay ang ibigay natin an gating pagmamahal sa maling tao.
Kahit na alam mong mali pilit paring sinusubukan.
Kapag ikaw ay nagmahal gagawin mo ang lahat kahit alam mong mali na. Pilit mo pa ring itatama kahit hindi na dapat. Pumapasok ka sa isang relasyon na hindi na dapat pang ipagpatuloy dahil tapos na pero magbubulag-bulagan ka dahil gusto mo pa.
Ipinaglalaban mo sya, kahit na alam mong ayaw na nya.
Nagiging bulag ba talaga ang isang tao kapag siya ay nagmahal. Kase hindi niya nakikita ang mga bagay na magiging dahilan kung bakit siya masasaktan. Parang dalawang tao lang yan na nagmamahalan habang magkakapit ang mga kamay. Pilit ng binibitawan ng isa ang kaniyang kamay subalit pinipilit mo parin itong higpitan upang hindi kau magkahiwalay.
Mas pinipili mo yung taong sinasaktan ka lang kesa dun sa taong handang ibigay ang lahat mapasaya ka lang.
Nagiging bulag nga ba ang tao kapag nagmamahal. Kase hindi na nila nakikita kung ano ang tama sa mali. Kahit na alam nilang ibinibigay mo na ang lahat, kahit na alam nilang hindi mo sila sasaktan at paluluhain. Pero hindi pa rin nila maibigay ang pagmamahal na hinihingi mo datapwa’t dun sila sa taong lagi lang silang sinasaktan at pinaiiyak siguro marahil dun sila nagiging masaya sa taong sinasaktan sila.
Kahit na alam mong niloloko kana ng harap-harapan hindi mo pa rin kayang bitawan.
Minsan kahit na lagi na ng sinasaktan, at kung minsan pa makikita mo nalang may kasama na siyang iba pilit mo paring iisipin na kaibigan niya lang yun, na tropa nya lang yun upang hindi ka lubos na masaktan. Pero ang totoo parang biniyak na ang puso mo sa sakit pero ipagsasawalang tabi mo lang ito dahil hindi mo kayang mawala sya sa buhay mo.
Umaasa ka na mamahalin ka rin nya, tulad ng pagmamahal mo sa kanya.
Naghihintay ka ng tamang panahon na mamahalin ka rin nya tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Pero bakit nga ba hindi niya matumbasan ang pagmamahal n ibinigay mo. Pero kahit ganun pilit mo parin siyang iniintindi, marahil naniniwala ka rin na kung hindi ngaun marahil sa mga susunod pang mga araw, lingo, buwan o marahil taon matutunan ka na rin nyang mahalin.
Ipinagsisiksikan mo ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto.
Bakit ng aba may mga taong sadyang manhid na talaga kahit hindi ka naman gusto ipinipilit mo pa rin ang sarili mo. Na baka sakali mahalin ka rin nya kahit na alam mong imposible.
Gagawin mo ang lahat upang mahalin ka rin nya, pero ang totoo hindi pala.
Bakit nga ba may mga taong hindi kayang suklian lahat ng ginagawa mo para sa kanya. Halos ibigay mo na ang buhay mo, ang buong araw mo makasama ka lang nya pero hindi pa rin ito sapat upang maibigay na rin ang pagmamahal na hiningi mo sa kanya.
Umaasa ka na babalik pa rin siya.
Marahil nasaktan ka ng iwan ka niya, pero hindi pa rin nawawala sa isip mo na marahil babalik parin siya. Babalik sya dahil ikaw pa rin ang maha niya. Pero mas sinasaktan mo lang ang sarili mo dahil pilit mo paring hinihintay ang taong iniwan ka at yung taong lubos na nagpaluha sayo.
Naniwala ka sa mga pangakong walang katotohanan.
Marahil nasisiyahan ka sa mga pangakong kaniyang binibitawan, pero ang hindi mo alam marami na rin ang mga taong pinangakuan niya ng ganito pero lahat sila nasaktan at kasama kana dun. Madali lang naman magbitaw ng mga pangako pero ang hindi lang madali ay ang gawin ito.
Thank you for visiting our blog site, hope that you enjoy reading. For more updates just visit our FB page Mr.Reklamador. Please Like and Share