“Pagod na, pero laban lang”
“Kaya yan, walang susuko”
Yan ang palagi nating sinasabi sa t’wing may mga nararanasan tayong mga pagsubok. Kaya minsan diba napapa-isip tayo na bakit parang wala namang nangyayari.
Lahat naman ng para satin ay may itinakdang pagkakataon hindi mo mamalayan na dadating din ang tamang panahon. Mag tiwala ka lang dahil balang araw lahat ng yon ay makakamtam mo din. Tuloy mo lang ang tiwala mo sa sarili wag mong aalisin dahil habang ang oras ay tumatakbo mga problema’y parang bulang mag lalaho.
Kahit maraming tao ang humusga sayo maniwala ka lang sa sarili mo, wag mong pansinin ang sinasabi ng iba dahil iba ang nakikita mo sa nakikita nila. Tulungan natin ang mga sarili natin kahit alam naman nating hindi magiging madali lagi lang nating tandaan na hindi sumusuko kailan man ang mga nag wawagi.
Kaya wag kang panghihinaan, lahat tayo natututo sa laban dahil minsan hindi talaga sasang-ayon satin ang ikot ng mundo kadalasan nga mag isa lang tayo at walang kasama sa mga nararanasan nating pag subok sa buhay.
Hindi mahalaga kung ilang beses tayong patumbahin ng mga pag subok sa buhay, ang mahalaga ay kung ilang beses kang bumangon para makamit ang tagumpay.