“What did I do wrong?” “Why did you leave me?” yan yung mga tanong na laging tumatakbo sa aking isipan.

Bakit mo ako sinukuan, hindi mo alam na sinasabi na din sakin ng ibang tao na “iwan na kita” pero hindi ko magawa kase iniisip ko na ito’y isang pag subok lamang sa ating relasyon at ito’y matatapos din.

Kaya nanatili ako!

Ayaw lang kitang pakawalan kahit alam ko na may mali ng nangyayari. Lahat ng nangyari tinanggap ko at palaging okay lang sakin kasi minahal kita at akala ko minahal mo din ako.

Ayaw ko mang aminin, pero napasaya mo talaga ako kahit sa maikling panahon lang at ikaw din ang dahilan kung bakit ako umiiyak sa aking pagtulog.

Bakit ka sumuko sa ating relasyon, Am I not worth fighting for?

Wala lang sakin yung sakit kahit ramdam ko na wala akong kwenta at kahit ramdam ko na hindi ako naging sapat, wag lang hanggang sa makahanap kana ng iba. Hindi rin naman nag tagal matapos kaming mag hiwalay ay nakahanap na agad sya ng iba at doon na durog ang aking puso.

Nung mga panahon na yun lagi kong iniisip na, Am I really not enough? Pag katapos ng relasyon natin na may ikaw at ako pa hindi mo man lang nagawang makalimot o mag move on man lang sa akin, pero binalikan moa gad siya!

Anong meron sya na wala sa akin? Hindi ko alam kung bakit, gusto ko lang naman na sya ay ipag laban pero mas pinili nyang bumitaw.