Tagalog Sad Love Quotes
Ang tao minsan lang magmahal yan kaya pag nagmahal yan ibibigay nyan ng sobra na halos wala ng itira para sa sarili nila. Ngunit bakit nga ba may mga tao talaga na hindi kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo. Papaiyakin at iiwan ka rin nila. Kaya kung mahal mo ang isang tao wag mo siyang sasaktan mahalin mo rin sya tulad ng pagmamahal na ibinibigay nya.
“Ang pinakamasakit na goodbye, yung hindi pa naririnig ng tenga mo, pero nararamdaman na ng puso mo.”
Sabi nga pag pinagsasabihan ka pasok sa kabilang tenga labas sa kabilang tenga. Minsan hindi naman masamang makinig sa sinsabi ng iba kung alam mo at nararamdaman mo totoo na sinasabi nila. Nagbubulag-bulagan ka sa katotohanang iiwan ka rin nya, niloloko ka lang nya. Pero bakit nga ba ganito dahil nga mahal mo hindi mo kayang iwan sya at pabayaan kahit alam mong sinasaktan ka na nya ng lubusan.
“Ang love parang sugal. Minsan talo, minsan panalo, minsan tiba-tiba, minsan bawi lang. Pero alam mo kng ano mskit? Ang makita mong panalo kana sana kaso hindi ka tumaya.”
Sabi nga ng iba ang love daw parang isang sugal minsan talo, minsan panalo. Pero pano mo malalamang talo o panalo ka eh di ka naman tumaya. Sabi nga nasa huli ang pagsisisi kaya habang maaga pa wag matakot sabihin ang nararamdaman kase sa huli ikaw din ang masasaktan.
“Maling isipin siya pero ginawa ko. Maling mag-alala s kanya pero ginawa ko. Maling mahalin sya pero ginawa ko. Pero ang kalimutan sya? “Un sana ang tama pero bakit di ko magawa.”
Kaylan ba naging tama ang mali o naging mali ang tama? Mahirap isipin pero madaling gawin. Ganyan tayo pagdating sa love, kahit alam mong mali na gagawin parin kse mahal nten eh. Hindi naman masama ang magmahal pero sa tamang paraan. Kung alam mong tama, ipaglaban mo. Pero kung ikaw nalang ung kumakapit di naman masamang mag give-up.
“Masakit maging kaibigan ng taong mahal mo, di mo alam kung saan ka lulugar. Di ka dapat umasa pa. o di kaya mainis sa kanya. bakit? anu karapatan mo? kaibigan ka lang diba?”
Kaibigan ka lang, mga salitang masakit pakinggan pero alam mong tama. Alam mong tama na hindi dapat gawin. Ang gulo diba? Wala naming masama magmahal, pero hindi sa taong kaibigan mo na alam mong kaibigan lang ang turing sayo. Napakasakit isipin na hanggang kaibigan ka lang talaga na kahit gusto mong ilevel-up ung inyong relasyon sa isa’t-isa di mo pa rin magawa kase nandun kappa sa limitasyon na kaibigan ka lang nya. Nariyang magseselos ka kapag may kasama syang iba pero para saan pa kaibigan ka lang nya. Kaibigan lang ang turing nya sayo kaya wag ka ng umasa.
“Kahit ano pang pag tatampo ang gawin mo kung hindi ka mahalaga sa kanya. Hindi rin sya gagawa ng paraan para suyuin ka.”
Kung talagang mahalaga at mahal ka ng taong mahal mo susuyuin ka nyan kahit ano pangkakamali ang gawin mo, mahal ka eh. Pero kung hindi kana mahalaga sa kanya at may minamahal na siyang iba para saan pa na suyuin ka nya? Ganyan talaga ang buhay hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw yung kanyang mahal. Darating ang araw na kung talagang kayo ipaglalaban ka nya pero kung hindi iiwan ka rin nya.
“bakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka dumating? bakit kung kailan natuto akong magtiis dun ka sumuko? bakit kung kailan natutunan kitang mahalin dun ka lumayo, bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?”
May mga tao talaga na kung kelan handa ka ng muling magmahal saka pa mawawala, diba sabi nga nasa huli ang pagsisisi. Hindi naman maiiwasan ang ganitong mga pangyayari sa buhay ng isang tao. Sabi nga ng iba, pasensya tao lng. Pero minsan saka mo palang mararamdaman ang halaga ng isang tao kung wala na ito sau. Kaya bigyan natin ng halaga ang mga taong mga nakapaligid sa atin dahil makikita mo lng ang kanilang halaga kapag may kasama na syang iba.
“Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.”
May mga tao talagang tapat kung magmahal. Nasasaktan na pero pilit paring kinakaya. Ganyan talaga mahal mo eh, kaya ipaglaban mo. Hindi naman magiging matatag ang isang relasyon kung walang pagsubok na darating pero ang mas mahalaga, kayang lampasan ang lahat ng mga pagsubok na darating ng magkasama. Magkasamang tatahakin ang mundo ng tukso na kung saan masusubok ang tatag ng isang samahan ng mga pagsubok, problema at tukso ng isang relasyon.
“Love, Minsan totoo, pero madalas biro.”
May mga taong totoo magmahal, totoo sa mga salita at pangakong binibitawan. Masarap magmahal kung ganito lahat ng tao, walang sakit at panghihinayang na madarama kung tapat sa isa’t-isa. Pero hindi eh, may mga tao talaga na biro lang sa kanila. Seryoso kana joke lang sa kanila. Tapat kana, pero laro lang para sa iba.
“Ang hirap masanay sa mga bagay na pwedeng mawala anytime.”
Wag mong sasanayin ang sarili mo sa mga bagay na maaring mawawala, walang permanente sa mundo kung kelan masaya ka na saka pa sila mawawala. Ganyan talaga ang buhay wag mo sasanayin ang sarili mo sa mga bagay na sa tingin mo ay mawawala.
“Minahal mo, minahal ka rin ba?”
Napakahirap isipin na ibinigay mo na ang lahat pero wala pa rin sa kanya. Kaya bakit ka magpapakatanga sa taong hindi nakikita ang mga bagay na maaring mawala kapag nagsawa ka na. Palayain mo ang sarili mo sa mga bagay na ginagawa mo pero wala namang rason para ipagpatuloy pa. Ang hirap magmahal sa taong hindi kayang suklian ang mga bagay na ibinibigay mo na para sa kanya ay isang laro lamang.
Thank you for visiting our blog site, hope that you enjoy reading. For more updates just visit our FB page Mr.Reklamador. Please Like and Share