Tao lang naman ako nagkakamali at magkakamali. Kaya pasensya na kung sa mga mata n’yo wala akong nagawang tama. Pasensya na kung para sa inyo hindi pa rin sapat ang lahat ng ginagawa ko. Patawad kung hindi ako kasing galing ng iba kasi kahit anong gawin ko hindi pa rin ako magiging kasing galing ng inaasahan n’yo. Kasi iba ako sa iniisip n’yo ito lang ako, ito ang ang totoong ako simpleng tao na may pangarap.

Alam ko hindi ako perpektong tao hindi rin ako yung tipo ng taong magugustuhan n’yo kasi alam ko na may mga bagay na wala ako sa iba, na nakikita n’yo sa kanila.

Ano man ang gawin ko pilitin ko mang maging kagaya nila, pero ako pa rin ito kasi ganito na ako and I can’t be perfect. Kasi makakagawa at makakagawa pa rin ako ng pagkakamali may makikita at makikita pa rin kayo na hindi tama sa akin. Kahit siguro ibigay ko ang lahat ng best ko it wasn’t good enough, alam kong hindi pa rin sapat ‘yon. Kasi nga iba ako kaya patawad kung hindi ko sila kayang tularan. Pero sana itigil nyo na ang kakahalintulad n’yo sa akin sa kanila kasi nakakapagod ng makarinig ng pa ulit-ulit na salita.