Lahat na ng bagay sa’yo’y ibinigay
Ni kahit salitang ‘salamat’ walang narinig sa’yo bagkus kapalit nito’y pagrereklamo
Isa lang ang tanging dahilan ng lahat ng ‘iyan
Hindi ka kontento at masaya sa mga bagay na dumarating sayo
Gumising ka, imulat ang iyong mata, pagka reklamador iwaksi na
Sapagkat wala ‘yang dulot na maganda
Sarili mo ang kawawa kung ganyang gawi aangkinin mo sa tuwina.