“Pagpapalaya sa Iyong Maliit na Mundo,Pagharap sa Pagpapahalaga sa Sarili” Ang pagmamahal sa sarili ay nagmumula sa pag-unawa sa sarili mong halaga. Kadalasan kailangan nating isuko ang ating sarili sa maling tao para maintindihan natin kung anong halaga meron tayo.Madalas din na nakikita natin ang halaga natin kapag wala na tayo sa maling taong akala natin bubuo sa katauhan natin. Kapag umalis tayo sa isang hindi patas na relasyon, binubuksan natin ang pinto sa pagtuklas sa sarili at nagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa ating halaga. Habang lumilipas ang mga panahon, naiintindihan natin kung paano tayo dapat mahalin at tratuhin. Napagtanto natin ang mga aspeto ng ating sarili na maaaring nakalimutan nating mahalin sa kabila ng ating maliit na mundo na itinutulak ng mga maling tao. Dito nagsisimula ang pagpapahalaga sa sarili. Ang pagkakaroon ng lakas na bitawan ang mga bagay na walang halaga ay isang hakbang tungo sa self-actualization. Kapag napagtanto natin na hindi tayo karapat-dapat na pagmamaltrato o hindi maunawaan, bumabalik tayo sa ating sarili. Hindi natin namamalayan, ngunit kapag umalis tayo, nagiging mas malaya tayong maging mas mabuting tao. Naiintindihan namin na ang pagmamahal sa iyong sarili ay hindi nangangahulugan ng pag-aalaga sa iyong puso at kaluluwa. Sa pagbitaw sa maling tao, natutunan natin na handa tayong tumanggap ng tunay na pagmamahal mula sa mga taong karapatdapat sa ating buhay. Ang pagmamahal sa sarili ay nagbibigay daan sa isang mas makulay, masigla at matagumpay na buhay.
-August 27, 2024