Isa ka ba sa mga nasaktan o nasawi? Masakit isipin na ibinigay mo na ang lahat para sa kanila ngunit baliwala parin. Ano na nga ba ang dapat gawin sa mga taong hindi nagbibigay halaga para sa’yo. Dapat bang manatili ka o kailangan mo ng bitawan para di ka na paulit ulit na nasasaktan. Dapat din siguro magisip isip ka ng mga 100 beses para mahanap mo ang sagot mo at malinawan ka ng husto. Pahalagahan mo ang sarili mo dahil may darating pa na mas karapat dapat para sayo.
- Sana ang tao parang Cellpone kusang namamatay kapag nagloloko na.
Kung ang cellphone kapag nagloloko ay namamatay sana tao din para walang nanloloko at walang naloloko. Marami ang nasasaktan at nanloloko ngunit walang paraan para matigil kaya sana matauhan ang bawat isa para naman tumigil na.
- Hindi tanga yung taong sobrang nagmahal. Mas tanga yung taong minahal ng sobra pero naghanap pa ng iba.
May mga taong naghahanap dahil minsan hindi sila satisfied, hindi compatible, may hinahanap sya na hindi makita sa isang tao, at ang iba naman hindi makuntento sa isa yung feeling na GGSS o gandang ganda sa sarili o kaya naman guwapong guwapo sa sarili.
- Kaya kong panindigan ang salitang IKAW LANG, basta wag mo lang akong tratuhin na parang wala lang.
Hindi naman mahirap panindigan ang isang tao lalo na kung mahal na mahal mo pero kung ang pagtrato mo naman ay wala lang, nakakapanlumo lang dahil mahirap maging ikaw lang kung ayaw mo ako pahalagahan. Magiging tanga lang ako ng walang bumabalik na pagpapahalaga sakin. Masakit isipin na binabalewala mo lang ako.
- Hindi ko naman hinihiling na ako ang unahin mo. Ayoko lang maramdaman na parang wala lang ako sayo.
Alam ko naman na marami kang priority sa buhay andiyan ang iyong pamilya, career, at mga kaibigan. Ang hinihingi ko lang ay pahalagahan mo lang ako masaya na ako maiintindihan ko ang lahat. Ang simpleng bagay ay magbibigay sakin ng wagas na kasiyahan.
- Ang luha parang pawis, hindi man parehas galing sa mata. pero parehong tumutulo pag pagod na!
Ang pawis lumalabas kapag pagod ka na at kapag marami kang gawa. Ang luha naman lumalabas kapag nasasaktan kana at pagod kana. Di ba minsan masakit na alam mong binigay mo na ang lahat para sakanya ngunit kulang at kulang pa rin para sa kanya. Yung tipong pagod na pagod kana ng dahil sakanya balewala pa rin.
- Kaya nga naimbento ang GLUE para kahit gaano kawasak ang isang bagay, pwede pa ring mabuo.
Kung ang mga bagay bagay naibabalik ng glue sa dati at naaayos na muli. Ngunit kung sa pagibig ang pag-uusapan maaayos mo nga ngunit mahirap namang ibalik sa dati. Kung ba gah magkakaroon ito ng lamat na mahirap takpan.
- May mga taong di payag na mawala ka. Pero di naman gumagawa ng paraan para manatili ka.
May taong takot silang maiwan ngunit di naman gumagawa ng paraan para magstay ka. Pero alam nila na hindi mo sila iiwan kahit anong mangyari.
- Sorry? Sorry na naman? favorite word mo ba yan?
Kapag nagkakasala ang isang tao lagi nilang sinasabi ang salitang sorry ngunit kung ito ay paulit ulit din lang naman nakakasawa rin at nakakabinge rin lang naman. Isa ka ba sa mga taong paulit ulit na nagsasabi niyan sana matuto kang magpahalaga sa isang taong lagi kang pinakikinggan kasi kapag yan ang nanawa mawawalan ka ng taong laging nakikinig sayo.
- Hindi ka naman si Jollibee. Pero gusto mo ikaw lagi ang bida.
Yan yung mga taong KSP o kulang sa pansin. Bakit ba hindi tayo makuntento kung anung meron tayo. Bakit kailangan mo pa ang atensyon ng iba kung kaya mo naman pahalagahan ang sarili mo. Hindi mo naman kailangang maging bida para sa ibang tao kung alam mo sa sarili mo na masaya ka yun lang kuntento kana at hindi ka na maghahanap pa ng atensyon sa iba.
- Ang tunay na boyfriend kahit matapang sa iba, si Girlfriend pa din ang boss niya.
Minsan talaga may mga boyfriend na matatapang yung tipong kakausap ka lang sa ibang lalaki galit kana, yung may itatanong ka lang galit pa rin. Yung tipong mga conservative ngunit kapag nagpaliwanag naman ang girlfriend siya pa rin ang boss. Siya pa rin ang masusunod at pinakikinggan.