Minsan ka na rin bang nabiktima ng taong kinakausap ka lang sa tuwing wala siyang ibang kalaro? Ang tulang ito ay isinulat para sa mga katulad mong dinaanan lang ng oras niya, pero hindi nagtatagal pa!

Paano ang forever natin kung hanggang temporary lang ang contract ko sayo?

Pampalipas-oras mo lang ako kahit ang tingin ko na sayo ay mabuting tao para sa future ko. Paano ang forever natin kung hanggang temporary lang ang contract ko sayo?

Pa-chat chat ka pa

Eh hindi naman tayo close

Nung una di kita type

Pero mga galawan mo, ay sows!

Ilang araw kang nangulit

Hanggang sa feelings ko’y pumihit

Dumating sa point na puro kilig

Konting banat mo lang, puso’y pilipit!

Pero paasa kayo!

Hanggang pampalipas-oras nyo lang ako!

Ni hindi man lang ako sineryoso!

Wala pa mang tayo, agad nang naloko!

Ano to, isza prank?

Mukha ba akong star na makukuha sa kaka-rank?

Kamukha ko ba yung clown para kayo ay malibang?

O sadyang babae sa mga inbox nyo hindi na mabilang?

Ayusin nyo nga desisyon nyo

Wag kayong magsayang ng oras sa maling tao

Pero kung paulit-ulit ko lang mararanasan to

Hindi ako titigil kaka-reklamo sa mga paasang tulad nyo!

Nakakagigil pero hindi ko pa rin maiwasang kiligin. Wala eh, ang marupok, kahit baligtarin, awit ganun pa rin.

Reklamo nang reklamo pero bibigay din naman sa dulo #marupok. For more reklamos, stay tuned at reklamador.com! Happy reading!