Alam ko pagod kana, kaya pahinga kana muna. Alam ko you are drained physically and mentally. Alam ko na ginagawa mo na nga lahat yet may naririnig ka pa din sa ibang tao.

Alam ko you always put your best in everything you do but you feel like it’s not enough. Alam ko pinipilit mo paring kayanin kahit gustong-gusto mo na talaga sumuko, iniisip mo lang naman kung magiging worth it parin ba ang lahat ng mga ginagawa mo.

Umiiyak ka gabi-gabi at tinatanong si God kung bakit kailangan mangyari at maranasan mo yung ganito. Alam kong pagod kana yung tipong pag bangon sa umaga ay hirap kana parang gusto mo nalang mag mukmok mag-hapon sa iyong silid. But you know what, you deserve to take a break you’ve done enough so it’s your time to take a break to recharge.