Mga ‘dong, mga ‘day, kumusta na diha. Oki lang ‘bay, oki lang diha? hehehe
Bakit nga ba sa panahon natin ngayon, nangangalat na ang mga taong madaldal at walang magawa sa buhay. Bakit ba hindi na lang nila ayusin ang sari – sarili nilang buhay at hindi yung manga ngapit – bahay pa sila para lang makipag – usap sa iba tungkol sa buhay ng may buhay. Kaunting galaw mo lang, pag – uusapan ka na nila at kung makapag – salita sila akala mo alam na nila lahat ng tungkol sa buhay mo. Bakit nga ba may mga taong ganyan?
Naranasan ko na yan dati e, sinigawan pa nga ako. Child abuse daw ako kasi ang bata ng kasama ko. E natural bata yun! Pamangkin ko yun e! Nakakaloko na talaga sila minsan no? Ang sarap nilang pangahan… este, hawakan sa panga at subuan ng sili para mabawasan ang kadaldalan nila.
1.Ang tsismis parang history lang yan…Pinaniniwalaan kasi di naman nasaksihan.
Wag kasi tayong masyadong maniwala sa sabi – sabi. Hindi pa nga natin alam kung totoo, ipag – kakalat na natin sa ibang tao. Hindi dapat ganun, bigyan mo man lang ng benefit of a doubt bago ka maniwala. Imbestigahan mo muna, maging mapag matyag ka.. matanglawin. Tse!
2.Babala: Mag- ingat sa makamandag na dila ng Tsismosa dahil ang Dila ay walang buto pero kaya nitong makasira ng buhay at ng masayang pamilya.
Minsan talaga mas marami pang naniniwala sabi – sabi kaysa sa tunay na nangyari. Sa dami kasi ng mga tsismosa, hindi mo na talaga alam kung ano ba talagang nangyari. Minsan kulang ang impormasyon nila, minsan naman sobra – sobra. Kaya ang nangyayari, ang daming pamilya at relasyon ang nasisira ng dahil sa maling balita galing sa tsismosa.
3.Gaano ka man kaingat sa iyong pananalita. Pagdating sa mga tsismosa, ikaw pa rin ang mapapasama.
Mas mabuti na kasi ngayon yung nag – iingat ka sa tsismosa kaysa mag – ingat ka sa pagsasalita. Minsan kasi, wala ka pang nasasabi, nasa kabilang kanto na agad ang balita. Kaya sa halip na sayo maniwala ang mga tao, mas naniniwala pa sila sa tsismosang nagbalita sa kanila.
4.Ang Tsismis, ay ginagawa ng taong galit sayo kinakalat ng taong loko-loko at pinaniniwalaan ng mga taong makikitid ang ulo.
Hindi naman talaga magiging malaki ang tsismis kung hindi din dahil sa mga taong madali masyadong maloko. Hindi din yun kakalat kung walang taong may sira ang ulo, at higit sa lahat, kung walang taong nagsasalita ng kung anu – ano tungkol sa’yo, hinding hindi mauuso ang salitang TSISMIS.
5.Ganyan yan eh. Husga ng husga sa iba, pero yung mga sinasabi niyang panghuhusga ugali pala niya.
Karamihan kasi ng mga tao ngayon, nagsasabi sila ng mga masasama tungkol sa’yo dahil gusto niya na magalit sa’yo ang mga tao kung malalaman nila ang masamang ugali mo. Ang hindi lang niya marealize sa sarili niya, ay lahat ng mga sinasabi nya tungkol sayo ay mga ugaling nasa kanya na ayaw nyang makita ng iba.
6.Dapat sa mga makakati ang DILA tinatahi ang BUNGANGA para hindi na makapagkalat ng masamang BALITA na nakakasira ng buhay ng kanilang kapwa.
Dapat kasi pinapatapon na ang mga tsismoso at tsismoso sa isang isla lang, yung lugar na di sila makakapaminsala. Daig pa kasi nila minsan ang bagyo kung makasira. Ilang pamilya na ba ang nasira dahil lang sa mga maling balita? At ilang relasyon na ba ang nawasak dahil sa mga tsismosang bayawak na yan? Sobrang dami na, hindi ba?
7.Alam mo kung bakit ka nila pinag tsi-tsismisan? Malaki ang inggit nila sayo.
Minsan naman, ikaw ang topic ng tsismisan dahil na – iinsecure sila sayo. Naiinggit sila ng sobra sayo dahil hindi nila kayang gawin ang mga ginagawa mo. Ganyan kasi talaga ang nagagawa ng inggit, hindi nilang gawin ang lahat, mawala lang sa landas nila yung taong tingin nila e nakalalamang sa kanila.
8.Huwag mo akong husgahan kung hindi mo pa ako kilala, Dahil hindi lahat ng hinala at akala mo ay tama. Sabi nga nila; “Try to be with me and you’ll see the real me.”
Karamihan kasi talaga ganyan, hindi pa nga nila tayo kilala, kung anu – ano na agad ang sinasabi nila tungkol sa atin. Wala sila kasing ibang magawa sa buhay nila kundi mag hinala at maniwala sa mga maling akala. Bakit ba kasi maraming tao ang hindi muna kilalanin ang isang tao bago nila husgahan. Mga judgemental!!!
9.Bago ka maniwala kumpirmahin mo muna. Maraming napapahamak na buhay ang mga tsismosang kapit bahay, lalo na ngayong nagkalat narin sila Online.
Sa panahon natin ngayon, hindi na lang sa lansangan matatagpuan ang mga tsismosa, hi – tech na din kasi sila. Marunong na silang gumamit ng social media. Kaya maging mas maingat ka, wag ka agad maniniwala sa mga nababasa mo. Pag – aralan mo muna, baka kasi yung binabasa mo, galing lang sa mga tsismosa.
10.Bago ka manghusga sa iba tiyakin mo munang malinis ka. Dahil mahirap kainin ang sarili mong suka.
Husga lang kasi tayo ng husga sa panahon ngayon. Hindi muna tayo tumingin sa salamin, baka kasi puna tayo ng puna ng dumi sa mata ng taong kinaiinisan natin pero hindi natin alam, mas malaki pala yung dumi sa mata natin. Dapat kasi linisan muna natin yung mukha natin bago natin batiin yung dumi sa mukha ng iba.