You and Yourself

Alam mo yung feeling na bigla ka na lang malulungkot? Yung kahit wala namang specific na dahilan, pero basta ka na lang nalungkot. Tapos magsisimula ka ng mag-isip ng mga bagay bagay. Maiisip mo yung kalagayan mo. Yung mga regrets mo sa buhay. Yung marami mong “What if?”. Yung mga failures mo. Yung mga nakakadisappoint na moments para sayo. Yung mga moments din na sobrang nakakawala ng self-confidence. Yung marami mong “bakit?”na hindi mo pa rin masagot.

Then, kapag nandun ka na sa point na lungkot na lungkot kana gugustuhin mo ng may kausap. Kapag nalaman niya problema mo and then di siya makarelate or di kaya parang balewala lang sa kaniya, parang lalo pang dumagdag sa lungkot mo like maiisip mo, “mahalaga ba ko sa kanya? Nakikinig ba siya? Naiintindihan niya ba ako?” And yun na nga, mas dumami pa isipin mo.

May times din na kahit sabihin nila na “Nandito lang ako para sayo. Kaya mo yan”, oo gumagaan yung pakiramdam mo pero nandun pa din yung part na “Talaga? Nandyan ka para sakin?” Yung nagdududa ka kasi baka wala lang siya masabi sayo pero deep inside iniisip niya na ang drama drama mo.

Yung gusto mo magshare ng stories mo but you just keep it to yourself kasi takot kang madedma. O di kaya itreat lang nila na joke lang yung pinagsasabi mo. Kaya sosolohin mo nalang.

Pero alam mo ba, pag nasa ganun kang sitwasyon, sarili mo lang din makakawala ng lungkot mo? Kapag nararanasan mo yung mga nabanggit kanina, encourage yourself to be strong and don’t let yourself to overthink those matters that will only hurt you more. Okay lang naman malungkot but you should also learn how to make yourself feel the happiness again.