Kakapagod din pala no?
Yung gulong-gulo kana pero wala kang ibang masabihan ng nararamdaman mo.
Yung gusto mo sanang sabihin mga hinanakit mo, kaso walang available na makikinig sayo.
Ang sarap sanang mag kwento, kaso wala namang handang makinig sa mga hinanaing mo.
Parang yung tipong sarili mong problema, sarili mo ring comfort.
Kaya kahit gusto mong mag patuloy di mo maiwasang mapagod.
Bakit parang palagi nalang tayong naiiwanan sa ere, pag ganito yung sitwasyon?
Why does no one seem to understand?
Why does nobody seem to care?
Why do they always think, that we are not affected?
Why do they think that we are not hurt?
Bakit di nila nakikita na may lungkot sa ating mga mata?
Nakakapagod na kasing mag panggap. Nakakasawa na kasi minsan na mag kunwaring palagi tayong matatag.
Alam naman kasi natin yong totoo.
Yung katotohanang nahihirapan na rin tayo. Kaso kahit hirap na tayo, wala man lang nag tatanong.
Walang may paki kung totoo ba talagang maayos ang ating kalagayan.
Nakakasawa na rin mag hintay na may mag tanong na “kamusta?”. Kaya pipilitin nalang natin maging okay, kaya huwag nalang umasa sa iba.
Pero kaya ko pa naman!
Di lang talaga okay sa ngayon, pero mag papatuloy pa din naman.
Hindi man ngayon, pero yung panahong yun ay darating din. Pero lagi kong ipinapaalala sa sarili ko na “sobrang tatag mo”.
So I always think, no matter how hard it is, don’t give up.
Di naman pang habang-buhay ang mga sakit na ating nararanasan, dahil may bahaghari at araw na mag papakita sa bawat pag katapos ng ulan.