Pinagtagpo lang kayo pero hindi kayo itinadhana. Ganun lang kasimple. Pero pwede din namang kayo din pala sa huli kung talagang para kayo sa isa’t isa.
Kahit ilang araw, buwan, taon man ang itinagal nyo, kung hindi kayo, hindi kayo. Oo, masakit. Mapapasabi ka na lang na “Ang sakit sakit talaga bes. Hindi ko na kaya. Bigti na xci aqouh”. Pero maya maya nay bago nanaman hahaha (ilag).
Isa lang yan sa mga problemang napapag daanan at isa rin sa dahilan kung bakit kailangan nating matuto at maging malakas upang harapin ang bagong bukas bilang isang tao. Taong natututo. Congratulations! Tao ka nga.
1. AKALA MO SIYA NA YUNG “THE ONE”
Syempre sa unang part ng pag-sasama nyo hindi mo maiisip yung mga negatibong bagay. Ang nasa isip mo lang ay kung paano nyo mapapatibay at mapapatagal ang paglolokoha.. este pag-iibigan niyong dalawa. Minsan nga nagagawa pa nating ikumpara si ex sa present eh. Hahaha. “Ay! Iba ito. Siya na yata ung inilaan sa akin ng Maykapal”, ni hindi ka nga nagdadasal eh. Mag asawa nga nag hihiwalay kayo pa kayang “M.U.” lang hahaha. Hayaan mo na. May mas better pa dun.
2. NAPAMAHAL KA NA DIN SA PAMILYA NIYA
Okay na ang lahat. Kasal na lang ang hinihintay. Mama at Papa na ang tawag mo sa mga magulang nya. Minsan dun ka na natutulog sa bahay nila. Close na close na kayo ng mga kapatid nya. Yun pala pinakilala lang pala nya buong angkan nya sayo haha. May mga pagkakataon kasi na sobrang comfortable at compatible mo sakanila. Maling akala nga naman. Ayos din, mas dumami sets of friends mo.
3. ANG HIRAP TANGGAPIN
Ang hirap lang tanggapin na wala na at ayaw mo ring tanggapin na iniwan ka na nya. Nasa sayo naman ang desisyon eh pero ang hirap lang talagang kontrolin ng puso. ACCEPTANCE is what you need bes. Mag linis ka na lang ng bahay.
4. MGA LITRATO NUNG MGA PANAHONG ” FOREVER ” PA KAYO
Lahat na lang ng gadgets mo nandun pagmumuka niya. Try mo na din i-delete lahat lahat ng may connection sakanya. Naka lagay pa sa home screen. Paano mo makakalimutan kung nakikita mo pa rin ang nang iwan sa puso mong luhaan. I-unfriend, block at unlove na yan. Ang ex ay ex. Mahirap takbuhan ang kaibigang minsan mo nang naging problema.
5. NA-AAMOY MO YUNG AMOY NYA
Kesho amoy imbornal o amoy mamahaling cologne yan, pag may na amoy ka na ka amoy nya, hindi mo mapiligilang mapatulala at maisip siya. Kasi yun yung amoy na isa sa mga kina aadikan mo sakanya. Hayss wag ka na lang huminga. Hahaha
6. MAHAL NA MAHAL MO PARIN SYA
Yun na nga. Ang main reason kung bakit hindi ka parin matigil yang sipon mo sa katutulo. Hindi parin mag sink-in sa utak mo na single ka na ulit. Na wala nang mag tetext or chat sayo tuwing umaga na “gO0d mHoRNiNq pH4nGetXZ qOuh”. Sobrang na attached ka na sakanya. Halos mag bigti ka na nung nangyari ang hindi inaasahan. Hindi sya mawala wala sa isip mo kasi sya yung bumubuo
ng araw mo. Try mo mag papogi/paganda baka sakaling magpapicture sayo haha.
Isa lang yan sa mga matitinding pagsubok na kakayanin at kakayanin natin bilang isa tao. Hindi ito para sa atin kundi para na rin sa ikalalawak ng pagkatao. Maraming salamat sa mga nag tiyaga! I hope na mahanap nyo na ang “Da wayrn”.
Please Like and Share but don’t forget to smile ? Thanks! <3