Sa buhay natin darating at darating ang mga tao na magmamahal at mamahalin natin ng lubusan at handa tayong magpakatanga para sa kanyan subalit ang tunay na problema eh kapag kayo ay naghiwalay na at ang mag move on sa kanya. Basahin ang mga sumusunod na tips o paraan nf pagmomove on.
“Umiyak ka” – Iiyak mo lang, hindi masama umiyak, pag sobrang sama na ng loob mo, minsan masarap umiyak, kahit lalaki ka pa umiyak ka lang, nakakagaan yun ng pakiramdam. Syempre sa tagong lugar ka umiyak or sa mga friends mo. Minsan masarap pag may humahagod sa likod mo habang umiiyak ka. Hindi rin ibig sabihin ng pag iyak eh nagpapakita ka na hindi ka strong pero ang totoo eh un ang masarap at magandang paraan upang maibsan ang kalungkutan. Sa huli at pagtapos umiyak ay maaaring maging ok ka na kahit papaanu. Huwag pigilin ang nararamdaman at ilabas ang sama ng loob.
“Magdasal ka” – Humingi ka ng strenght kay Bosing para kayanin lahat ng pagdadalamhati mo. Without the help of God we can do nothing sabi nila. Thank him kahit sa heartaches pasalamatan mo sya, tapos mag sumbong ka sa kanya, lahat ng nararamdaman mo sabihin mo sa kanya. Magugulat ka nalang dahil pag katapos mo mag pray ang gaan na ng pakiramdam mo.
“Libangin mo sarili mo” – Meaning wag kang mag focus sa kakaisip sa heartache mo, kasi the more na iniisip mo lalo ka lang mahihirapan. Libangin mo ang sarili mo at humanap ng pansamantala na gagawin upang makalimut. Maging busy ka at aliwin ang sarili at pasayahin ang iyong araw. Ilaan ang mga araw na maaring makapagpasaya sayo at makalimut.
“Develop new skills or learn new skill” – Focus mo nalang ang atensyon mo sa ibang bagay, tulad ng pag aaral ng bagong skill, pwede ka ding mag blog, matuto mag drive, mag aral kang mag luto kung di ka marunong.. that way makakalimutan mo na yun misery mo may bago ka pang natutunan. Bigyan mo ng time ang iyong sarili upang para sa ibang bagay na maaaring makatulong sayo habang ikaw ay nag momove on. Wag mong sayangin ang mga araw na maaari kang matuto ng kapakipakinabang para sa iyo.
“STAY AWAY FROM HIM” – Lahat ng memories nya itapon mo na kung gusto mo mag move on, kasi the more na nakikita mo mo mga gamit nya, maalala mo pa din sya, pati number nya burahin mo na sa phone mo, para hindi kana ma tempt na i text sya. Basta kung gusto mo maka move on dapat lahat ng bagay na nakakapag paalala sa kanya iwasan mo na.
“Free will” – Sarili mo lang ang makakatulong sayo. Dapat kung gusto mo kalimutan ang isang tao, meron kang sapat na kakayanan na gawin yun. Dapat talagang gusto mo. Kasi kahit sundin mo lahat ng sinasabi ko kung hindi ka pa ready, di ka talaga makakamove on. Lahat may rason, kaya dapat may rason ka din bakit mo gusto gawin ito.
“Love yourself” – Para masabi mo sa sarili mo na karapat dapat kang mahalin, mahalin mo muna sarili mo. Paano ka mamahalin ng tao kung sarili mo ayaw mo? Love yourself ika nga , magpaganda/ magpagwapo ka. Improve yourself. Tapos ngumiti ka. Bigyan ng time ang iyong sarili at ifocus mo ang oras po para sa iyo na makakapag pasaya sayo at maaring masabi na mahal mo ang sarili mo. Gawin mong habby ang pagbibigay ng time sa iyong sarili dahil ikaw mismo ang uunlad.