Yung toxic mentality na nag-iisip na yung mga teenage moms at single moms ay malas at walang tamang choice sa buhay? Ayusin natin yan.
Nakakainis yung pag makakakita ka ng batang ina sa paligid, iisipin nila na pariwara, nagkasala, malandi, bobo, at kung ano ano pang masasakit na salita na hindi naman dapat. Well, we can say na nagkamali sila for doing things inappropriate para magbunga. Pero tingin niyo hindi sila nagsisi noong nandyan na? At least, unlike other girls there, hindi nila nilaglag yung bata. They raised their children in their wombs for nine months. After that, inaalagaan pa yung baby. Wala na silang time pakinggan ang makikitid-utak niyong remarks about them. They’re actually blessed to have a Child even though it’s unexpected. But still, all new lives are blessings. Utang na loob, wag niyong isipin na malas sila. Naghihirap sila at hinaharap yung consequences ng naging actions nila, yes, pero hindi ibig sabihin non, natalo sila sa buhay. We all lose and win in unexplained unexpected situations. Open your minds everyone.
I didn’t post this to convince everyone to get pregnant at a young age. Again, open your minds everyone. Wag nating paganahin yung toxic pilosopo mindset nating mga Pilipino. Think smart. For more blogs, visit reklamador.com! Happy reading!