Ano ulit ang ambag mo sa lipunan?
Okay lang kung may trabaho ka talaga
Tapos biglang nagka-pandemya
Kaya natengga ka ng ilang buwan
Pero yung kahit wala namang lockdown
Wala namang issue sa travel ban
Tapos nakanganga ka sa bahay nyo
Umaasa sa magulang at kapatid mo
Tapos magmamalaki ka sa kursong tinapos mo
Ekis yun mga bhie
Galaw-galaw, baka ma-stroke
Umambag ka naman sa bahay nyo
Hindi yung pasocial media ka lang
Tapos sasama sa mga toxic na tao
Eh wala namang ibang ginawa
Kung hindi ang mag-ML maghapon
Wala naman masamang tumambay
Pero paminsan-minsan lang
Wag naman habangbuhay
Matuto tayong lumugar minsan. Wala tayong say sa nagpapahinga lang. Doon tayo magka-issue sa tamang pahinga lang at walang ibang ginawa kung hindi ang magreklamo tungkol sa issue ng lipunan na wala rin namang naitutulong kung hindi puro bash lang. Wag ganon.
For more blogs, visit reklamador.com! Happy reading!