Niyaya ka ng mga kaibigan mong makipag-inuman tapos akala mo pangmatagalan. Ikaw ba? Susuko ka, o susuka na lang?

Inuman lang. Walang iiyak, walang sukahan.

Minsan hindi ko rin maintindihan

Ako tong niyaya lang sa inuman

Kaya akala ko ako yung mahina

Pero nang nasimulan na ang tagayan

Habang parami nang parami ang naiinom

Unti-unti man akong nahihilo

Pero kaya ko pang uminom

Kung sino pa ang nagyaya

Siya yung unang bumagsak

Okay lang, hinayaan na

Pero yung isa pang nagyaya,

Lumaban pa kahit lasing na

Buti pa nga siyang hindi sumuko

Ang kaso, ayun

Nagsuka.

Inuman lang, walang sukahan. Pag di na kaya wag nang pilitin. For more blogs, visit reklamador.com! Happy reading!