SEMBREAK.jpeg
Ito yung sinasabi nilang REST DAYS “kuno“. Pahinga raw pero maraming pinapagawa. Yung totoo? Nagbigay pa kayo ng sembreak! You’re getting into my nerves.
Tapos habang yung iba may sembreak, yung iba wala? Ano yun? Hindi ba sila estudyante ha? Ha? Sumagot kayooo!
“Natulog lang ako sandali, paggising ko may pasok na? Sembreak ba yon?Ha? Ha? Sagot! Sumagot kaaaaa!”
Diba? Nagbibigay sila ng sembreak, hindi pa nga umiinit puwet ng mga bata sa upuan nila sa bahay, may pasok na agad? Wala man lang dalawang linggo? Wala na ngang pahinga talaga? Hay nako!
“Nagrereklamo kayo na isang linggo lang sembreak niyo? Nahiya kaming wala kahit isang araw ha.”
Hindi kayo nakuntento sa isang linggo! Buti nga kayo MAY ISANG LINGGO eh. Kumusta naman yung ibang wala? Umayos ka nagdidilim paningin ko!
“Kapag may pasok, gusto mag-sembreak, tapos ‘pag sembreak, gusto pumasok? Ayusin mo buhay mo. H@H@Mp@sEn k3Tah!”
Isa pa ‘to. Jusko! Nakakainis yung mga estudyanteng nagrereklamo kapag may pasok. Kesyo ganito-ganyan, bakit hindi na lang magbakasyon agad. Tapos kapag bakasyon naman, nagrereklamo rin na nabubulok na sila sa bahay. Kesyo sana magkaroon na ng pasok. Ano! Ha! Ha? Nanggigigil ako sa inyo!
“Sembreak daw para magpahinga tapos puro take-home activities. Kagaleng.”
Ito yung kinaiinisan ko talaga eh. They gave the students semester break tapos hindi rin naman nagka-break kasi dose-dosena ang iniwan na gawain. Tapos kapag hindi nagawa, sila pa itong may ganang magsabi na “ilang araw ang nagdaan, wala ka man lamang nagawa?” Ang kakapal ng mukha. Nanggigigil ako!
NOTE:
Please be informed that the above graphics and terms posted are just for fun. No serious insults are intended.
Thank you for reading and bearing with us. Please support our pages and sites. Again, thank you.