Sembreak Feels
Sembreak, ito ang break na inaasam-asam nang mga estudyante sa tuwing sila ay pumasok at gusto nang mag pahinga. Pero kahit nakakapagpahinga na sila meron pa rin silang mga kanya-kanyang reklamo. Eto ang isa sa kanilang mga reklamo o mga dinadaing.
“Sembreak ay pahinga, Hindi trabaho ”
Ito yung dapat ay nagpapahinga ka, matutulog at mawala ang isipin sa eskwelahan, pero bakit pagdating sa bahay tatambakan ka nang mga gawain o trabaho na parang binabayaran ka para gawin ang mga bagay na iyon.
“Gusto ko may pasok may baon”
Ito ay isang dahilan nang mga estudyanteng pumapasok lang para sa baon, yung tipong di papasok pag walang baon. Kasi meron naman nga silang punto dun nakakapagpahinga ka nga wala ka namang pera.
“Ang mga araw sa sembreak ay parang ice cream mabilis maubos”
Ito yung parang 3 days lang yung isang linggo, kasi nga wala din namang ginagawa sa bahay kundi matulog at kumain. Di din naman napapakinabangan sa sa school at sa bahay.
MARAMING SALAMAT SA PAGBASA!