Self, kamusta?
Okay ka lang ba?
Kaya mo pa ba?
Ako nalang mag tatanong sa sarili ko kasi, wala namang interesadong mag tatanong na iba. Wala namang taong interesadong kausapin ako at bigyan ng halaga. Na sanay na din naman ako sa sitwasyon na pa ulit-ulit lang nangyayari. Sa sitwasyon na sarili ko na lang din talaga ang nakakapag bigay sulosyon.
Nakaka pagod din pala no? Yung palaging pag intindi mo sa nararamdam ng iba pero, pag dating sa sarili mong nararamdam parang baliwala lang sa kanila. Yung gusto mo sanang mag kwento ng hinanakit mo pero walang andyan para makinig sayo. Kung meron man, pag tatawanan ka lang din at sasabihin na “normal lang yan”. Normal lang din ba na kayo nalang palagi ang iintindihin.
Paano naman ako? Paano naman ang sarili ko?
Bakit parang walang nakaka intindi, bakit parang walang may paki.
Bakit tingin nila hindi tayo nasasaktan, na hindi tayo na aapektuhan!
O sadyang wala lang talaga silang paki at ayaw lang talaga nila makinig.
Siguro ngayon hindi ko na muna uunahing intindihin ang nararamdaman ng iba, ginagawa ko lang naman na intindihin sila palagi dahil takot lang ako na sila’y mawala. Pero hindi ko naman inakala na ako’y babaliwalain lang nila ng ganito!
Inu-una ko pa silang isipin kesa sa sarili ko huwag lang silang masaktan.
Pero humahanga pa din ako sa sarili ko dahil sa tatag ko! Kasi sa dami ng pag subok na napag daanan ko, ay hindi pa rin ako sumuko.