Complaining Never Makes Anything Better
Hindi natin talaga maiwasang magisip kung bakit ang unfair mundo. Lalo na sa pagkakataong may problema tayo. Lagi nating tandaan na binigyan tayo ni Lord ng pagsubok dahil alam niyang kaya natin itong lampasan. Si God lang ang nakakaaalam kung anong mangyayare kaya wag nating isipin kung bakit ang unfair ng mundo.
Meron talagang mga taong ganyan. Halimabawa na lang sa pamilya. Pag walang makakain galit,maninigaw at higit sa lahat kung umasta para sila yung bumubuhay sa pamilya. Pag mahirap ang buhay matuto tayong magpasensya,umunawa at higit sa lahat matutong maghanap ng trabaho.
Ito talaga yung pinaka ayaw ng karamihan ang salitang Otw. Yung may pupuntahan kayo tapos nauna ka sa kanya,tatanungin mo kung asan na sya tapos sasagot papunta na. Pero ang totoo nasa bahay palang,maliligo. Diba nakakainis.? Wala ka namam choice kundi ang maghintay.
Wag nating sabihan ang isang tao na walang kwenta dahil sa pagkakataong tayo ang mangangailangan baka sila pa yung tumulong sa atin . Sila yung andyan intindihin tayo at umunawa. Sa buhay natin lahat tayo may papel,may tungkulin sa buhay. Kaya wag tayong magsalita ng masakit sa kapwa naten.
Wala naman talagang permanente sa mundo lahat nagbabago. Wala tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Hindi habang buhay kasama natin ang mga taong mahal natin sa buhay. Maaaring andito sila ngayon pero di naten alam na baka bukas wala na sila. Sasabay na lang tayo sa takbo ng buhay.
Sa isang relasyon hindi mawawala ang pag aaway ng mag partner. Pag galit ang babae madameng sinasabe yan kesa ganto ganyan hindi mo maintindihan kung bakit sila ganyan ang natatangi mo lang magagawa ay suyuin sila o kaya lambingin ayus na sa mga babae yan. Pero baliktarin natin ngayon yung sitwasyon mga lalaki naman yung galit pero ang mga jowa nila ang alam lang din ay magalit. Ewan ko ba kung bakit ganun ang mga babae basta ang alam ko lang sila ay mga topakin. Hindi mo maintindihan ang mga mood nila minsan.
I hate that feeling na iwanan ka tpos kahit isang simpleng “goodbye” ni hindi man lang nasabi sayu! hindi mo kasi alam yung feeling na iniiwan . Di mo alam yung sakit at di mo alam yung tumatakbo sa isip naming kung bakit tayu iniiwan. Kahit na masasaktan tayo kung anong dahilan ng paglisan nya atleast alam natin hindi yung magmumukhang tanga tayu kakaisip kung ano ba nagawa natin? Kung bakit nya nagawa to satin.
Hindi natin ikauunlad pag tayo ay reklamo ng reklamo. Itigil naten ang pagrereklamo sa bagay bagay dahil may mga tao na gusto kung ano yung meron tayo ngayon pero ayaw natin. Pag hindi tayo marunong magpahalaga kung ano meron tayo ngayon hindi natin makakamit yung masayang buhay. Makontento lang tayo at si God na ang bahala sa atin. God is a good writer so stop complaining and start appreciating.
Growing old is a part of life ofcourse. Sa ngayon marami ang ayaw tumanda o kaya tinatago ang kanilang edad sa paglalagay ng make up at yung pagkukulay ng buhok. Hindi naman natin maiiwasan ang pagtanda.Dadaan ang oras araw panahon magiging kulubot ang ating balat magiging puti ang ating buhok at sasakit ang ating mga katawan pero ganun pa man pasalamat pa rin tayo kay God na buhay pa tayo at nakakasama naten ang ating mahal sa buhay habang tayo ay tumatanda.
Pag lagi kang galit sa buhay walang kang patutunguhan. Iiwan ka ng kasama mo lalo na kung ito ay sa trabaho. Wala kang matatapos kung pana’y ang reklamo mo. Mas mabuti pang maging responsabale ka na lang kung ano ang iipagawa sayo dahil kung hindi wala kang matatapos at baka ito ay ang maging dahilan ng pagkawala mo ng trabaho.