If you don’t like something, change it. If you can’t change it, change your attitude. Don’t complain
May mama talaga tayong ganyan na kapag sila ay linis ng linis tapos napagod na magagalit sila atin.Tapos tayo namang mga anak walang ginagawa kaya mas lalong sila nagagalit. Imbis na tayo ay magalit din tulungan na lang natin sila para madali ang gawain.
Lagi tayong tumulong sa mga gawaing bahay lalo na kung wala ka namang gingawa o kaya walang pasok. Isipin mo kung galing na ang mama mo sa trabaho at pagdating niya madaming kalat sino nga ba ang matutuwa? Kaya matuto tayong maglinis ng bahay para din hindi tayo mapagalitan.
Sino nga ba ang magiging masaya pag wala ng pera ?Di ba wala ? Kasi sa panahon ngayon kapag may pera ka mahalaga ka. Wala ka na ngang pera wala ka pang kaibigan dahil mga tao ngayon, kapag may pera ka kilala ka nila,nasa tabi mo lagi kausap,karamay pero pag unti unti na ng nauubos ang pera mo unti unti na rin nauubos ang kaibigan mo.
Masakit maiwan diba? Lalo pag nalaman mong ikaw yung magbabantay nung bahay kasi may pupuntahan sila. Yung tipong aalis ka na pero aalis din mga magulang at kapatid mo.So sino maiiwan sa bahay?Lalo na kung ikaw yung bunso. Wala kang magawa kung hindi sumunod na lang.Minsan talaga naiisip ko tao pa ba ako o aso?
Kahit na halos ginawa na lahat , kahit na puro tama basta may isang pagkakamali parang balewala na lahat. Mas napapansin nila ang isang pagkakamali kaysa sa tama mong ginawa. Dahil lang sa isang mali mong nagawa parang nakakababa ng self confidence or natatakot ka ng gawin yung mga bagay na baka ka magkamali uli. Ang sama sa pakiramdam ng ganyan lahat na lang para sa kanila mali kahit naman may nagawa ka pa ring tama di ba?
Ang mga tao sa pahanon ngayon kahit na tinuring mong kaibigan at trinato mo ng maayos na gagawa ka pa ring siraan. Ewan ko ba kung bakit may mga taong sinilang na ganyan. Hindi man lang marunong tumanaw ng utang na loob. Walang mga konsensya ang tawag dyan at hindi makakahanap ng tunay na pagkakatiwalaan.
Kung ang alam mo lang gawin sa buhay ay pana’y reklamo wala mangyayare sa iyong sarili. Gumawa ka ng hakbang o paraan para masolusyonan ito. Maaari kang mag plano sa mga gawain mo araw-araw para magkaroon ka ng guide sa iyong gagawin. Bigyan mo din ng panahon ang iyong utak at katawan para magrelax at hindi puro trabaho ang iniisip. Sa ganitong paraan makakapag isip ka ng maayos sa iyong ginagawa.
Kung hindi mo gusto ang mga ngyayare sa buhay mo ngayon gumawa ka ng paraan para mangyare yung gusto mo. Kung wala kang trabaho at nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon, maghanap ka ng trabaho yan ang mabuting paraan. Nakatulong ka na sa sarili mo nakatulong ka pa sa pamilya. Lahat ng problema may solusyon nasa iyo na lang ito kung paano mo gagawan ng paraan.
Kung lagi natin iisipin ang problema tatanda agad tayo,mag mumuka agad matanda ,tutubuan ng uban kahit bata pa at stress na lang lagi ang mukha. Wag nating kalimutang tumawa at bigyan kaligayahan ang ating sarili. Kahit na may problema tuloy pa rin ang buhay. Sino nga bang tao ang walang problema ? Wala diba? Kaya wag nating problemahin ang problema hayaan natin na ang problema ang mamroblema sa ating problema. Dinadaanan lang yan hindi tinatambayan.
Lalong magiging mahirap ang buhay kung ang gawain mo lang ay magreklamo. Walang maiitulong yan sa sarili mo. Kung gusto mo ng pagbabago simulan mo muna sa iyong sarili. Wag mo ding sisihin ang kapaligaran mo o ang bansa kung ayaw mo yung nagyayare sa buhay mo. Gumawa ng paraan para maging kapaki pakinabang ang iyong sa sarili hindi yung puro lang reklamo.
Sabi nila ang dame daw naghihirap ngayon, walang pera walang pang gastos sa pamilya.Pero pag punta mo sa mall anong dameng tao na namimili lalo na kung Christmas o New Year. Bili dito bili dyan, kain dito kain dyan, daming reklamo na walang pera pero makikita mo naman na meron silang pang gastos.