minsan nang sinubukan nang sistema ng lipunan
yun tipong di na alam kung ano kahahantungan
pero pinipilit mo pa ring lumaban
para makamit ang tunay na kinabukasan
minsan ko ng nasabing pasensya
nakakasakit na yata ako ng iba
yun tipong di alam saang banda
di ko alam kung kaya o kakayanin pa
naisipan ko ngang pumunta ng tindahan
kahit gulong gulo pa man ang isipan
nasabi ko, Aling Nena pasencia ako’y pagbilhan
pamatid pagkat ako y nagugutom nanaman
oops, baka san pa mapunta, pasensya, sa ngayon yan lang muna.