“Pangako mong napako” tatlong salita ngunit iisa lang ang ibigsabihin, mga pangako mong pinanghawakan ngunit hindi mo ito naisakatuparan. Marahil ay huli na sapagkat sa iba mo na tinutupad ang pangako mo sakin. Masyado akong nabulag sa mga ipinakita mo. Akala ko parehas tayo nang nararamdaman sa isat isa. “Assuming” nga ika nila. Pero anong magagawa ko. Pinaramdam mo na iba ka sa lahat nang nakilala ko. Pinakita mong kamahal mahal ang isang tulad ko. Ngunit sa isang banda, lahat nang iyong pinakita at pinangako naglahong parang bula.Ang sakit lang kasi umasa akong magiging okay ang lahat,nakasarado ang pinto nang dibdib ko binuksan ko para sayo. Nananahimik ang isipan ko pero ginulo mo. At ngayon patuloy pa ding nagiisip kung saan banda ba ko nagkulang. Laging tanong sa isipan ” bakit hindi nalang ako”. Nangako ka sakin na hindi mo ko sasaktan at hihintayin mo hanggang sa maging handa na ko. Habang hinihintay mo pala akong sumagot, hinihintay mo na din pala ang kasagutan ko sa iba. Para kasi sayo walang talo diba. Pag sinagot nga naman kita, madali nalang sayo para bitawan yung isa. Perso sana nga ako nalang ang unang sumagot,para nasakin ka. Konti nalang sana mapapasagot mo na ko, pero wala eh. Minsan kailangan talagang masaktan para mapunta ka sa tang tao.