Ikaw ba yung tipo ng tao na mabait sa kapwa mo? Yun bang tipo na pag may humiram sayo ng pera eh tatanungin mo agad kung magkano. Nakaranas ka na bang magpautang sa taong lumipas na ang dalwang pasko di parin nakakabayad sayo? Bket nga kaya may mga taong ganito ikaw na nga yung nagmalasakit, ikaw pa rin yung ginigipit? Kung may kilala kang ganito sigurado ako narinig mo na ang mga palusot na ito:
“Mamaya na wala pa akong barya”
Yung tipong maglalabas ng malaking halaga para bayaran ka tapos biglang sasabihing “ay mamaya na wala pala akong barya” .Hayyy mga tao talaga inutangan kana nga papaasahin kapa.
“Saka na ha .Si papa kasi di pa nagpapadala”
Pati ba naman yung ama nila na nasa ibang bansa sinisisi nila kung bat di sila makabayad sa utang nila. Kakaiba na talaga ang mga nangungutang ngayon pati yung walang kinalaman ay nagiging dahilan pag dating ng bayaran.
“Bukas na ha nabadtrip kasi saken si mama, di tuloy ako binigyan ng pera”
Nauso din tong palusot na to hahaha. Isa din kasi ako sa nabiktima nito. Ewan ko ba kung baket ganun, tuwing sisingilin kasi sila lagi na lang badtrip sa kanila mama nila hahaha.
“Dapat pinaalala mo, nagastos ko tuloy lahat ng pera ko”
Daming nagpapalusot ng ganito ngayon, nakakainis sila. Alam mo ba yung feeling na pinautang mo na, sinisi ka pa? Pag nagpautang ba dapat lagi pang ipaalala? Aba matuto namang magkusa mga ate at kuya .
“Uy pare tumaya ako sa loto ! Intayin mo ha treple ang ibabayad ko sayo pagtumama ako”
May tumatama pa ba sa loto ? Jusko magpapayaman na lng ako kesa mag intay sa bayad mo. Sabihin na lng kase kung magbabayad pa, para wala ng taong umaasa hahaha.
“Teka lng ha tumatawag si mama, bukas na lang natin pag-usapan yung utang ko sayo, pinapauwi na kasi ako”
Pinaka malupit na diskarte ng mga tumatakas para di makapagbayad ng utang hahaha . Yung tipong kunyare may tumawag tas sasabihin pinapauwi na sya.
“Pwedeng saka na? yung sahod ko kasi sa katapusan pa”
May katrabaho ka bang ganito ? Malupet din yang palusot na yan kasi pagdating ng katapusan, naku siguradong hanapan hahaha .Galingan mo na sa paghahanap kasi sila yung mga nawawala pag dating ng katapusan.
“Baket ba ang kulit mo? Hindi naman ako magtatago. Babayadan din kita pag ako’y nagkapera”
Yung taong pag siningil mo eh mas matapang pa sayo.( koya ang tubo hahaha) Sarap nilang paluin ng tubo sa ulo hahaha. Nung nangungutang daig pa ang pusa sa lakas magpa awa pero pag dating ng bayaran sila pa yung matatapang.
“Wow blooming na nmn siya ,oy nga pala yung utang ko saka ko na lang ibibigay ha wala pa kac kong pera”
Sa lahat ng may utang na ayaw magbayad sila yung pinaka malambing hahaha nakakatuwa sila ang lalakas kasi mambola .
“Mamaya na pre ha, di ko pa kac nakukuha yung padala ni kuya”
Mamaya na!!! hay naku ang lakas magpaasa ng salitang to. Yung tipong hintay ka ng hintay sa “mamaya niya” pero maghapon na ang lumipas wala pa. Hayyy saklap…