Isa sa mga dahilan kung bakit nag iibang bansa ang ating magulang ay dahil sa anak,para sa kinabukasan ng anak.Kahit kanghihirap na sila sa trabaho ay kinakaya nila iniisip na lang nila na para sa pag aaral ng kanilang anak.Ang tangi lang nating magagawa ay pag butihin ang ating pag aaral ,mahalin sila at unawaain pag hindi nakakapagpadala.
Ang pamilya ang nagsisilbing lakas ng isang taong nag aabroad dahil sila ang dahilan kung bakit nagtitiis ng hirap at pagod sa malayong lugar. Tinitiis ang kalungkutan para sa ikakabuhay ng kanyang pamilya. Nilalabanan ang lamig o kaya naman ang gutom para matapos ang kanilang trabaho. Kaya lagi kayong magpasalamat kung mayroong pamilya sa ibang bansa na handang magtiis hirap para sa kakasaya ng pamilya.
Malungkot sa ibang bansa oo, pero kung may pamilyang umaasa sayo hindi rason ang magkaroon ng isang pang pamilya sa ibang bansa. Labanan natin ang kalungkutan para sa ating pamilyang naiwan naten. Hindi magandang tingnan ang magkaroon ng ibang pamilya lalo na kung kasal ka sa iyong asawa at higit pa don meron pa kayong binubuhay na anak. Malaking kasalanan ito sa ating Panginoon.