Pag nakarinig tayo ng salitang abroad unang pumapaosk sa isip ng karamihan “ay mayaman yan , malaki ang bahay nyan, maraming pera yan” pero hindi naman natin alam talaga kung ano yung dinanas nila sa ibang bansa. Oo nga marami ang nakaka angat sa buhay dahil may pamilya sa abroad pero hindi lahat ay maswerteng nakakaranas ng magandang buhay doon. Marami pa rin ang mabibigat ang trabaho, malas sa kanilang mga amo, sinaktan sila o kaya ay hindi pinapasweldo ng tama. Hindin lahat ay swerte ang kapalaran pag nag aabroad.
Marami ang mga Pilipino na gustong mag-abroad ngayon dahil sa kahirapan ng buhay. Ngunit minsan may hindi pinapalad sa pag-aabroad. Akala mo pag asa abroad ka na maging maginhawa agad ang buhay mo ngunit hindi, marami kang daranasin na paghihirap bago ka maging matagumpay sa buhay. Meron pa ngang hindi tinatrato na tama ng kanilang amo at hindi pinapasahod ng tama. Sa ganitong sitwasyon nagtitiis na lang sila para sa kanilang pamilya.Pero meron talagang mga taong nasa ibang bansa ang kapalaran. Dito na sila nakakapag asawa at nakakapag pundar ng negosyo. Sa buhay natin minsan malas, minsan swerte pero wag pa rin nating kalimutan ang Diyos
Hindi mo makakamit ang tagumpay kung madali kang sumuko sa buhay. Lalo na pag dating sa trabaho,magsisimula ka sa mababa at bago mo makamit ang mataas na posisyon dapat mayroon kay tiyaga at tiwala sa sarili. Walang imposible sa taong may pangarap. Diyan masusubok ang taong desididong maka ahon sa hirap para sa kinabuksan ng kanyang pamilya.
“HOMESICK” ito ang salitang nararanasan ng isang taong nasa abroad na nawala’y sa kanyang pamilya. Lahat ay kayang tiisin hirap,pagod,lungkot at pangungulila sa pamilya ay malalampasan para sa pamilyang umaasa. Daranasin ang lahat para makamtan ang magandang buhay.
2 Comments
tama
oo nman…