Ang buhay talaga ay napakagulo.
Maraming hinaing, maraming gustong makuha. Parang hindi tayo kuntento. Kapag may natamo tayong bagay na hinahangad, hindi pa rin tayo kuntento. Parang nawawala na ang kasiyahan sa ating buhay. Hindi ko sinasabing lahat ay ganito, ngunit malinaw na marami ang may ganitong pananaw.
Reklamo dito, reklamo doon. Parang walang bagay na nagugustuhan. Sabi nga, walang taong perpekto, bakit pa natin aasahan na magkaroon ng perpektong buhay? Tao tayo, hindi perpekto; paano pa kaya ang ating buhay? Isa sa pinakamahirap na bagay sa buhay ay ang gusto natin ng lubos na kaligayahan. Gusto natin na halos mamatay na sa tuwa. Kaya napapabayaan na natin ang mga maliliit na bagay na nagbibigay ng kahulugan sa ating buhay. At kapag nawala na ang mga ito, saka tayo nagiging sariwa sa kahulugan ng pagiging kuntento sa kung ano ang meron tayo.
Ako’y lumaki na hindi nangangarap ng kung ano ang wala sa amin. Itinuro sa akin ng aking mga magulang na pagtiyagaan ang kung ano ang meron, at mag-isip ng mga paraan kung paano mapapabuti ang bukas. Wala namang permanente sa mundo. Ang mga nagdurusang tao ay hindi magdurusa habang-buhay, gayundin ang mga mayaman sa buhay. Katulad ng ating mga damdamin, may mga panahong masaya, may mga panahong malungkot. Hindi pwedeng laging masaya. Kailangan nating maramdaman ang kalungkutan upang malaman nating tao tayo.
Ngunit sana, huwag na tayong magreklamo. Kung hindi maganda ang nangyayari sa iyo ngayon, tandaan mo: ito’y iyong buhay. Huwag mong sisihin ang iba para sa mga pagkukulang mo. Ito’y iyong katawan, iyong kakayahan. Gamitin mo ito. Kung ginagamit mo ang oras mo sa pagrereklamo, bakit hindi mo ito gamitin sa paggawa ng mga hakbang patungo sa iyong mithiin? Hindi laging masarap at masaya ang buhay, ngunit minsan, mahalaga na dumaan ka sa hirap bago ka magtagumpay.
Kaya’t hayaan nating ang buhay ay magulo, matutong maging kuntento sa gitna ng mga reklamo, at magsumikap na magbago nang hindi puro reklamo. Sa huli, ang buhay, kasama ang lahat ng pagsubok nito, ang tunay na nagpapalakas sa atin.
#RandomThoughts #Buhay #Reklamo #Reklamador #Kasiyahan #Kuntento #Pagbabago #ForYou