Kahit mabubuti tayong anak (minsan), maraming pagkakataon na, na bi-beast mode ang ating mga ina. Ang mga ina ng tahan minsan nagiging apoy ng tahanan. Minsan paulit-ulit na lang ang mga sermon nila, minsan ginagatungan pa ni kapatid na akala mo naman napaka bait. Ilan lamang ang mga sumusunod sa mga favorite lines ng mahal nating mga ina. <3
1. Mata kasi ang gamitin sa paghahanap, hindi bibig!
Hays~ Bakit ba kasi kung kailan natin kailangan yung mga bagay bagay na yun ay tsaka mawawala. Minsan talaga mapapaiyak ka na llang sa kakahanap HAHA! “MAAAAA!.. Nasan na yung ano ko!? inis na inis ka na, “Wala naman dito ma eh!”. Tapos biglang dadating si mudra, di mo alam hawak na pala nya, “Ayan lang oh! hindi kasi hanapin ng mabuti!”, mapapaisip ka na lang talaga.
2. Dito ka lang, walang aalis. Maglinis ka ng bahay!
Yung nag eensayo ka sa mga linyang ibibitaw mo para mag pa alam. Kailngan mahinahon at may kaunting lambing. Tapos biglang, “HINDE!”, gigil na sabi ng aswa.. ni nanay kong mahalxzs. Ayos na ma eh! Huhu. Ayos na na hindi mo ko payagan pero maglilinis pa xci quh. Mabuti na lang talaga mahal na mahal natin sila HAHA!
3. Tingnan mo yang kwarto mo, Parang pinag sawaan ng bagyo!
Mga linyahang nakaka konsensiya, yung feeling na mahihiya ka pakiramdam mo ang dumi mong tao. Marahil gusto nila ng malinis at maayos na bahay, ehh tayo namn kalat ng kalat, ehh hindi nmn kasi tayo ang naglilinis kaya nakakahiya na rin minsan.
4. Manang-mana ka sa tatay mo!
Di mo alam kung matutuwa ka kasi napatunayan na hindi ka ampon o magtataka ka kung bakit lagi na lang yun ang sinasabi ng nanay mo kapang may nagagawa kang hindi niya gusto. Ganto kaso yun guyth, kapag may nagagawa kayong kasalanan o mga bagay hindi maganda laging sinasabi yan. Pero kapag naman magagandang balita yan katulad ng matataas grades mo, nagsisipag sipagan ka at tuwing good mood si mudra, “Manang mana ka talaga sakin, Anak!. Yung totoo, kanino po ba talaga?
5. Kung aalis ka, wag magpapagabi. Kung gagabihin ka, wag ka nang umuwi!
Pakiramdam mo talaga wala silang tiwala sayo hahah. Sana po sa sunod wag na nyo na lang po ako payagan please HAHA! Nasa isip agad nila nagbubulakbol ka lang o kung ano anong kababalaghan ang pinapa-iral mo pag wala ka sa bahay. May iba kasi na nauwi lang ng bahay tuwing kakain eh. Hayaan mo nay ibahin mo ako <3 HAHA.
Bilang isang anak, obligasyon natin na sila’y intindihin at alagaan kahit minsan talaga nakaka asar na HAHA! Para sa atin din naman lahat ng mga sermon nila. Paraan nila yon upang maging mas mabuti tayong tao. Maiintidihan lang natin na mali ang mga ginawa natin kapag tayo naman ang naging magulang. Dapat natin silang pasalamatan at pahalagahan. Mahal na mahal namin kayong mga Nanay <3