“Mag di-diet na ako simula bukas” Pang ilang sabi mo na yan? HAHA. Puro na lang plano. Ngayon hindi muna masyado kakain tapos mamaya ayun nanaman hahah. Wala eh. Food is layp. Pero apat balance lang. Alamin ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi matuloy tuloy yang pag di-diet mo.
- Ang hirap mag-diet kapag marami kang pera. (hirap mag-ipon)
Kung may tag-hirap, syempre meron ding tag-yaman mga bes! Pagkakataon na natin ituuu! Yung feeling na ang sarap kumain sa labas kasama ang majujubis mong tropa. Tiyak na mapapalaban ka sa lamunan. Hindi mo iniisip yung bayarin kasi nga marami ka pang pera.
2. Ang hirap mag-diet kapag masaram ang ulam.
Hindi mo alam kung maiinis o matutuwa ka kasi ang sarap sarap ng ulam. Nakatingin pa sayo at ang hirap mag pigil. Sayang naman kasi kung hindi mo papansinin. Sayang ang blessings. Yung iba nga walang makain eh. Kahit naman ano pa ang pagpasyahan mo, pagsisisihan mo pa rin sa huli. Magsi-sisi ka kasi nasira ang diet mo. Magsi-sisi ka parin kasi minsan lang mag effort ang ina mo.
3. Ang hirap mag-diet kapag broken hearted.
Masakit na nga sa puso, masakit padin sa tyan. Lahat na lang mesheket. Ang sarap kumain habang ini-isip mo yung mga panahon na masaya pa kayo at pinahahalagahan ka pa nya. Lagi mo lang tatandaan na ang pagkain hindi nang iiwan. Mapapasaya ka na, bubusugin ka pa! <3 Kainan naaaa.
4. Ang hirap mag diet kapag sobrang stressed.
May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na pakiramdam natin ay pasan-pasan na natin ang buong milky way. Nag sabay-sabay na ang mga problema. Hindi mo na alam kung ano ang uunahin pero hindi nawawala sa isip natin ang kumain. Comfort zone kumbaga.
5. Ang hirap mag-diet kapag walang magawa.
Walang pasok, walang love life at dahil masipag ka, kakain ka. Sipag kumain. Yung feeling na hindi ka naman talaga nagugutom pero wala talaga eh. Nangangati nanaman mga ngipin mo HAHA! Sige kain na lang tayo buong araw. (kahit walang tayo)
6. Ang hirap mag diet kapag libre ang pagkain.
“Samahan mo ako… libre kita -_-” Napapakinggan mo pa lang ung unang mga words “Yaw quh” na agad ang isasagot pero nung narinig mo na yung mga sumunod na salita, “GAME!” agad. Confident kang sumama kasi wala kang babayaran (heaven). All you have to do is sumama kahit pa labag sa mga paa mo. Pero bago ka sumama, siguraduhuin mo muna na ililibre ka talaga. Minsan kasi paasa din yang mga yan.
Normal lang naman na magutom tayo at normal lang din na kumain tayo. Pero yung iba sumosobra na eh. Hindi na ini-isip yung limitasyon lalo na kung makakasama ito sa katawan. Pero wala naman tayong karapatan mangi alam kasi hindi naman ating pera yon haha, hingi na lang tayo puds. Lagi nating tandaan na napakalaki ng tulong ng pag eexcercise sa ating katawan. Mas mapapahaba nito ang ating buhay at mas makakain tayo ng mas marami! HAHA! Kain nanaman. Bukas na talaga ako mag di-die… pero depende parin. Stay healthy! Sana lahaat HAHA!