Bilang isang mabait na estudyante, marami tayong mga bagay na dapat intindihin ngunit minsan mahirap na talaga mag pigil, “qiqil na quh”. Ilan lamang ang mga sumusunod sa mga bagay na kadalasang nagiging dahilan kung bakit na bi-beast mode ang isang estudyante.
1.KULANG NA BAON
Yung ang dami daming bayarin sa school. Bayad dito, bayad doon. Kung pwede lang bawiin lahat ng binayad natin sa school, milyonaryo na us HAHA! Bago ka mag magbayad, itanong at siguraduhin mo muna na may mahalagang patutunguhan yang mga fees na yan. Mabuti sana kung nagtatae ng pera mga magulang natin HAHA! Tae lang ng tae Nay.
2. WALANG PAPEL
May cellphone, walang papel!? Tuwing mag kakaroon na lang ng pagsusulit, hindi mawawala ang katagang “Paynging papel!”. Siguro wala lang talagang maisagot HAHA! Yung iba galit pa pag hindi binigyan. Yung totoo? Alam ba ng magulang mo na pumapasok ka?
3. MGA KAKLASENG MAYAYABANG
Yung mga kaklase nating siga. Pag dating naman ng quiz at activities nganga! kakaqiqil eh. Sila yung mga kinatatakutan ng mga mababait nating kaklase. Hindi magtatapos ang isang araw nang walang nakaka sagupaan. In born na siguro yon sakanila HAHA.
4. HINGI DITO, HINGI DYAN. HIRAM DITO, HIRAM DYAN.
Sa room, uso ang hingian at hiraman, hiraman na minsan ay wala na din balikan. Dapat ninakaw nyo na lang ano? HAHA! Pahingi ng papel, pulbo, ballpen, lapis, pera, cellphone lahat na! Sayo na din yung bag ko bes.
5. TERROR NA TEACHER.
Teachers is our second mother. Pero minsan mas nakakatakot talaga sila magalit lalo na yung mga teacher na terror HUHU. Yung pag makakasalubong mo pa lang ay nag papractice ka na nang pambati. Tingin pa lang nila mamumutla ka na. Ang masakit pa ay pag naging teacher mo sila. Minsan naman sa una lang sila mataray pero pag tumagal naman magiging ka-close din natin yang mga yan. đ
6. UNIFORM
Kahit pa sabihin nila na hindi naman uniform ang pinasok, malaking parin ang impact nito sa atin dahil araw araw natin itong gamit. Minsan kasi sa uniform tumitingin ang estudtante. Pag maganda, dun papasok, pag pangit ayaw pumasok. Minsan naman pag nakuha mo na uniform mo, mali mali ang tahi jusq. Minsan bitin minsan naman muka kang rapper pag suot. Hays kung marunong lang tayong lahat mag tahi HAHA!
7. NAKAKAMATAY NI REQUIREMENTS
Eto talaga yun mga bes. Sa una pa easy easy lang tayo kahit walang tayo. Yung teacher na akala mo madali lang mag bigay ng subjects, naku pag patapos na syaka mag hahasik ng kadiliman. Lalo na pag sabay sabay silang nagbigay ng requirements juice colored. Minsan nakakainis pa kapag yung mga kaklase mong tamad, naunahan ka pa mag pasa HAHA! Wala eh buti na lang jinowa nila ang masisipag sa kabilang section.
Ilan lamang yan sa mga kadalasang nagiging problema at reklamo ng mga estudyante. May gusto ka pa bang idagdag? Comment below! Salamat sa pag babasa!