Naranasan mo na bang mag mahal pero sa huli, kailangan mo din siyang pakawalan?
Yung tipong binigay mo na lahat pero hindi ka pa rin sapat. Na kahit ikaw yung katabi n’ya, sa iba pa rin s’ya masaya. Mahirap mag mahal ng isang taong hindi mo alam kung hanggang kailan ka lang sa buhay n’ya. Mahirap mag paalam lalo na kung minahal mo ito ng sobra, mahirap makalimot sa mga ala-alang binuo n’yong dalawa. Dahil aminin mo man o hindi, doon tayo nagiging masaya.
Isa sa mga pinaka masakit na parte ng pag mamahal ay kapag dumating sa puntong may makikita s’yang iba at makakalimutan n’yang ikaw ang mahal n’ya.
Alam mo?
Kung ganun na ang sitwasyon, pakawalan mo na s’ya. Dadating din naman ang panahon na makakaya mo ulit ngumiti kahit wala na s’ya.
Dadating ang araw na titingin ka ulit sa mga mata n’ya at wala ka ng mararamdaman pa kun’di awa. Dahil pinakawalan n’ya ang babaeng handang ipag laban ka.
Sa pag-ibig, lahat walang kasiguraduhan. Hindi mo masasabing kayo na habang buhay at hindi mo din masasabing hindi ka n’ya iiwan. Madaming pwedeng mangyari kaya huwag kang masyadong sumugal. Mahalin mo s’ya pero mag tira ka para sa sarili mo.
Huwag mong hayaan ang sarili mom o na maging tanga, huwag kang mag habol kapag iniwan ka na. Ika nga, “Kung mahal ka talaga n’ya hindi ka n’ya babalikan, dahil kung mahal ka n’ya una pa lang hindi ka n’ya iiwan.”