Tanong na minsan na hindi mo masasagot kung ano ba ang isasagot. Tanong na minsang sinagot mo pero hindi mo alam kung tama ba o mali. Kasi sa tanong na ito madalas hindi tayo sigurado, na kahit hindi na kaya sinasabi parin nating “kaya ko ‘to!”.
Ang hirap kapag ganito, yung hindi mo masabi kung ano yung nararamdaman mo. Kasi kahit ikaw mismo hindi mo alam kung ano ang totoo, madalas pa nga nag sisinungaling pa tayo sa tanong na ito. Hindi mo naman masabi na “suko na ako” na “pagod na ako” kasi iniisip mo yung mga taong nag mamahal sayo yung mga taong naniniwala sayo.
Minsan sa dami ng iniisip natin mapapa-buntong hininga ka nalang. Kasi may mga panahon na hindi mo alam kung saan ka mag sisimula kasi minsan sa tingin natin parang ang lahat ay wala ng pag-asang matapos pa.
Ang hirap din na yung may gusto kang sabihin pero hindi mo masabi, nag aalinlangan ka na baka walang makinig sayo. Kaya minsan kapag may nag tatanong na “kaya pa ba?” masasagot mo lang na “oo kaya ko pa!” pero ang totoo hindi naman kasi nga may mga gusto pa tayong patunayan, hindi lang para sa ating sarili kundi para rin sa ating pamilya.