Kapag Tamad Ka Nga Naman
Bakit nga ba hindi mawala-wala ang katamaran. Wala itong pinipili mapababae, mapalalaki, bata man o may katandaan kapag inabutan ka ng katamaran “AY!! SUS KO PO GUIIIIINOOOO”. Kung may pinakamalalang sakit eto na ata yun dahil hinding-hindi mauubos ang taong tamad sa mundo. Sa maniwala ka man o hindi, kahit ikaw ay kung minsan nakakaranas din ng mga sintomas nito. Maaaring hindi mo nga lang nahahalata. Maraming dahilan kung bakit ka nakakaranas ng katamaran. Maaaring dahil sa pamilya, trabaho, kapaligiran at panahon na nakakaapekto sa pag-iisip ng mga tao upang magtamad-tamaran.
Narito ang ilang banat para sa mga tamad. Kung tamaan ka man, umaray ka na lang at alalahanin mo “MINSAN GINAWA MO RIN ‘TO”:
-
Kunwari gagawin mo na pero kapag di na s’ya nakatingin iiwanan mo na.
Kapag di mo ba gusto ang ginagawa mo, kailangan ba talaga magkunwari kang OK ka lang?
Sa pamilya lalong-lalo na kapag may pinagawa sa’yo ang iyong nanay o tatay, mama o papa, mommy o daddy o kung ano man ang tawag mo sa iyong mga magulang o tumatayong magulang, may pagkakataong magkukunwari kang ginagawa mo na ang ipinaguutos nila para lang lubayan ka nila kasi nga hindi nila aalisin ang kanilang tingin hangga’t hindi ka kumikilos.
Para sa mga matatanda, kalimitan sasabihan kang “PARA KANG PAKO NA KUNG HINDI PUPUKPUKIN HINDI LULUBOG”. Isa itong napakagandang paghahalintulad dahil kung minsan may ugali tayong “MAGPAPANSIN”, “MAGPASUYO”, at “MAGTAMAD-TAMARAN”.
-
Oo lang nang oo kahit hindi.
Minsan kapag may taong nagtatanong at kapag hindi mo alam ang kanyang kaylangan di ba dapat magtanong ka rin sa kanya pabalik. Ngunit, para sa iba hindi ganito ang nagiging sitwasyon. May mga taong kapag may ibang ginagawa o kung ayaw maabala kahit hindi alam ang tinatanong o kahit hindi kaya ang pinagagawa ay napapa-OO na lang nang walang pagdadalawang isip. Saka na lang nila mapapagtantong mali ang kanilang sagot kapag nasa sitwasyon na sila kung saan nasasabi na lang nilang “DAPAT PALA HINDI ANG ISINAGOT KO”.
-
Mamaya na, saglit lang, teka lang hanggang sa makalimutan mo na.
“Ayan kase, dami nyo kasing iniuutos. Isa-isa lang mahina ang kalaban”, ito ang bukang bibig ng ilan.
‘Wag kang magtaka kung sunud-sunod ang utos sa’yo. Kung minsan kasi, kahit nga madalas eh, paulit-ulit lang naman ang utos upang paalalahanan ka ng iyong mga gagawin. Di ka nga naman kase agad sumusunod. MAMAYA NA – wala ka namang gigagawa, SAGLIT LANG – may ginagawa ka pero hindi naman importante at, TEKA LANG – kapag paulit-ulit na at hindi mo pa rin ginagawa “GALIT KA PANG SUMAGOT”.
-
Wala ka namang ginagawa sa kanila pagagalitan ka pa rin.
Pakiramdam mo ba ay may mali? Oo, may mali talaga lalong lalo na kung araw-araw na lang pinagagalitan ka. Sa isang pamilya, hindi na mawawala ang isang tamad lalo na kung marami kayo sa isang pamilya na kung minsan ay nag-aasahan na sa mga gawain. “Maswerte pa nga kayo”, sabi ng mga anak na pinalaking may disiplina at pagkukusa sa mga gawain. Pero, bakit nila ito sinasabi? Siguro ay dahil sa gusto rin naman nilang maintindihan kung ano ang pakiramdam ng pamilyang may maasahan, at makakaintindi ng kanilang nararamdaman. “Yun tayo ehh!!!!”
-
Yung tambak na gagawin mo tapos wala ka na oras “BAHALA NA ‘YAN” basta may magawa.
Naalala ko tuloy nung estudyante pa ako, madalas ko rin kasi itong gawin lalo na at malayo ako sa aking mga magulang.
Kapag may project, di agad-agad gagawin. Bakit ba? Eh matagal pa naman ang pasahan. Mas nauuna pang gawin ang mga wala namang kabuluhan gaya ng
-paglalaro (lalong-lalo na sa mga internet shop),
-paggagala (nayaya lang ng kaklase o kabarkada sumama na agad),
-panunuod (kahit paulit-ulit nang palabas pinapanood pa rin o kaya maghahanap kung saan may bagong panoorin) at,
-pagtambay (wala lang trip eh)
Hindi na bago sa mga estudyante ang ganitong sitwasyon. Kalimitan kase naghahanap lang sila ng mapaglilipasan ng kanilang nararamdaman gaya ng pressure sa school, sa pinansyal at sa sariling emosyon na kung hindi nila magagawan ng paraang mabigyan ng kahit sandaling oras ang kanilang sarili na mag-enjoy at magpahinga ay lalo lang silang hindi makakapag-isip ng maayos at mapapangalagaan ang kanilang kalusugan. ‘Wag nga lang sobra dahil sabi nga nila, “Masama rin naman kapag sobra”.
Balik tayo sa’kin. At ayun na nga, bukas na ang pasahan at kokonti pa lang ang aking nagagawa “MERON NGA BA” at ang tanging solusyon lang ay “OVERNIGHT”. Haha! Tatawa ka pa. Magpapakapuyat dahil nga kailangang may maipasa kahit hindi pa kompleto o kahit na hindi ako kuntento sa aking nagawa “BAHALA NA ‘YAN”.
-
Ikaw ang pinakamasipag … nilang tawagin at utusan.
Konti lang ang masasabi mong ganito ang sitwasyon sa pamilya pero sila yung pinakamalupit.
Situation 1: Si nanay nag-utos kay kuya. “Gawin mo’ to, gawin mo ‘yan”. Busy si kuya kase naglalaro, nanunuod o tinatamad. Tatawagin n’ya si bunso at sa kanya iuutos ang dapat na s’ya ang gagawa. “KUYA NAMAN EH” sagot ng bunso mong kapatid. Parang ganitong sitwasyon, tapos masasanay ka na lang. Si kuya ang boss at kapag hindi sumunod si bunso, panlalakihan ng mata at sasabihing “TATAMAAN KA!”.
Situation 2: Ang iba naman eh dahil nga sila yung masasabing “PABORITONG ANAK”. Ikaw ang mas inaasahan gumawa ng kanilang mga ipinag-u-utos. Kasi, tamad ang mga kapatid mo YUN LANG YUN.
-
Nanay: Bumili ka nga ng suka yung naka-pack. Sabay bigay ng pambili.
Anak: Nay, may sukli pa po ba ‘to, “AKIN NA LANG”.
Ganito ang nangyayari sa mga batang mahilig sa candy, sitsirya at laruang sabit-sabit. Asahan mo na, hindi mo sila mapapabili ng wala silang komisyon. Ika nga ng iba “Hindi aalis hangga’t walang pamasahe”. Kung hindi mo naman mapapansin, matatawag na rin itong uri ng KORAPSYON at hindi ito magandang halimbawa dahil hangga’t bata pa sila ay natututo na sila at maaari pa nilang dalhin hanggang sa kanilang paglaki.
-
Pakiramdam mo pagod na pagod ka kahit na maghapon ka lang namang nakahiga, nanunuod ng TV at naglalaro.
Naranasan mo na bang mapagod kahit wala ka namang ginagawa?
Para kay Pedro “hindi” pero para kay Juan “oo”.
Alam nyo bang may masamang epekto ang katamaran sa katawan? Unang-una na dito ay dahil hindi mo nagagawang ikilos ang iyong katawan o kahit man lang pagpawisan sa trabaho. Ito ay malaki ang epekto sa sirkulasyon ng iyong dugo. Ganito rin ang naibubunga kapag parati ka namang nakaupo, nakahiga o nakatutok lang sa iyong gadget. Iba ang pagkapagod na nakukuha sa mga ito lalong lalo na sa mga gadget dahil kapag mas pagod ang isip na naapektuhan din ang buong katawan.
-
Kailan mas maraming tamad, kapag UMUULAN o kapag UMIINIT?
May mga taong mapili sa trabaho o gawain lalong lalo na kapag panahon na ang pinag-uusapan.
Ang ilan ay mas inaabutan ng katamaran kapag sobrang init ng panahon. Marahil dahil sa sobra silang pagpawisan, mahapdi sa kanilang balat ang sikat ng araw o pakiramdam lang nila ay wala silang ganang kumilos kapag mainit ang panahon.
Kapag umuulan naman, may mga gawaing hindi pwedeng gawin pero meron din namang ayaw lang talagang gawin. Minsan uutusan ka pero sasabihin mo mamaya umuulan pa. Minsan din naman pakiramdam mo dahil umuulan, malamig ang panahon at ayaw nang kumilos ng iyong katawan. Sabi nga nila “kapag malamig, masarap matulog”.
-
Ay!!!!!! Lagi na lang ako.
Pakiramdam mo ba pinagkakaisahan ka nila?
Eh kase nga ikaw lang ang kanilang inuutusan, pwede namang iba ang gumawa. Sa isip mo “pwede niya namang gawin, ako pa ang uutusan.” Kung minsan kapag mag-uutos na sila tatago ka na, pupunta sa kapitbahay para doon magtago. At ang malala, yung nagbibingi-bingihan ka na.
Thank you for reading…….