Itutuloy pa ba o Tama na?
Nahihirapan ang damdamin,
Ano ba ang dapat na gawin,
Itutuloy ko pa ba?
O tama na?
Oo mahal kita,
Pero binabalewala lang lahat,
Lahat ng effort na gawin
Balewala lang sayo
Sa tuwing nagkikita
Parang hindi magkakilala
Kahit nagpapapansin
Hindi mo pinapansin.
Kung itutuloy ko itong nararamdaman
Ay patuloy lang na masasaktan.
Itutuloy ko pa ba? O tama na?
Tama na ang pagiging martir…