Minsan masaya ako, pero minsan pakiramdam ko manhid na ako. Minsan okay naman ang lahat pero nawawala din ang ganong pakiramdam.
Hindi ako masaya hindi rin naman malungkot, but just I feel empty o siguro pa ulit-ulit ko lang sinasabi sa sarili ko na hindi ako malungkot because I feel like there isn’t a reason to be. Hindi ko naman nais na masabihan lagi na “dramatic” o di kaya “problematic”. Kasi kapag nakikita ako ng mga tao ganyan lagi ang tingin nila sakin o sinasabi. Kahit na, madalas naman akong tumatawa. Madalas pa rin naman akong naka ngiti kahit na nasa sitwasyon ako na gulong-gulo na.
Kahit siguro kumbinsihin ko ang mundo na okay lang ako, na ayos lang ako, na hindi ako malungkot wala ding maniniwala eh kase totoo naman na sa loob ko ay may dinadala akong problema.
Nakikinig din naman ako sa problema ng ibang tao, I give them advice sinasabi ko sa kanila na “keep going” “you can do it” or “life will get better” pero hindi ko mai-apply mismo sa sarili ko ang mga pinapayo ko sa iba. Minsan mag tatanong pa nga sila na paano ako nagiging masaya palagi, na kung paano ako nagiging maayos palagi pero ang totoo hindi naman.
Kahit anong pilit ko na itago, kahit anong tawa ko, at kahit gaano pa karami ang natutulungan ko HINDI TALAGA AKO OKAY at walang sinuman din naman talaga ang perpektong ayos lang palagi dahil lahat tayo may kanya-kanyang dinadalang problema.