Naaalala ko pa nung panahon na nasa sitwasyon ako na very stressful ang buhay ko. To the point na tinatanong ko si God kasi siya lang naman yung may kakayahan na tulungan ako. Everytime na sobrang down ako sa kanya lang ako lumalapit at tanging dasal lang ang aking pinang hahawakan, kinakausap ko siya na “Nahihirapan na ako Lord, san ka na? Hindi ko na po kaya.”
Sa mga pag kakataon na yun, nararamdaman ko talaga yung presence ni God. Nararamdaman ko yung comfort niya, na parang sinasabi na “alam mo bang andito lang ako palagi, hindi mo lang ako napapansin kasi naka focus ka sa mga problema mo.”
Sa mga sandalling iyon ay napa iyak ako and I laid it to the Lord. Alam niyo kung ano naramdam ko after? I felt I am released.
May mga pag dadaanan lang talaga tayo sa life. Kaya ang tanong is, sino ba yung unang nakakaalam sa problema natin. Akala ng iba is, sa social media kasi sa social media lang sila unang nakakapaglabas ng sama ng loob. Pero hindi po, nag hihintay ang panginoon sa atin na tawagin siya para mag balik-loob sa kanya to set you free so that you can move forward.
Some of you might not believe in God, but I know and I believe he slowly allowing you to experience his presence.