Ako’y isang anak na walang ibang hinahangad kundi maging malaya. Strikto ang mga magulang ko kaya sa sobrang paghihigpit nila ako’y nasasakal na. Hindi nila alam na sa paghihigpit nila ay nagagawa ko ang mga bagay na ikakalabag ko. Hindi nila alam na sa tuwing lumalabas ako ay sila ang naiisip ko.
Minsan pag pinapayagan ako na makagala habang masayang nag tatawanan kasama ang mga kaibigan pero sa loob-loob ko akoy natatakot sa bawat pag-uwi ko. Kung sa pag-uwi ko ay pag sasalitaan ba nila ako ng masasamang salita.
Kaya minsan ako’y napipilitang mag sinungaling sa kanila pero hindi ibig sabihin nun ay sinisira ko na ang kanilang tiwala. Gusto ko lang naman ma enjoy ang aking pagka-dalaga lalo na’t nasa legal age na ako.
Hindi nila alam na sa bawat pag-alis ko ay para bang wala silang tiwala sa mga gagawin ko kaya ako’y lubos na nasasaktan. Alam ko naman yung mga ginagawa ko alam ko kung ano ang tama at mali na dapat ay iwasan ko. Alam ko na ang bawat sinasabi ninyo ay para sa ikakabuti ko pero hindi ba pwede na sa bawat galaw ko ay walang gumugulo sa isip ko. Yung walang iniisip kundi maging masaya lang dahil palagi kayong nandyan naka suporta sa bawat ginagawa ko.
Wag niyo akong ikumpara sa bawat batang nakakasalamuha ninyo dahil iba sila, iba ako alam ko ang ginagawa ko. Hindi ibig sabihin na kapag binigay ninyo ang buong tiwala niyo sa akin ay ito’y aabusuhin ko na, nag kakamali kayo dahil alam ko kung ano yung mga tungkulin ko sa mundong ito. Ang makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho para makatulong sa inyo.