ginhawa, peace, calm, problem

 

Sa oras na may kabalisan,

Maraming tumatakbo sa isipan,

Problema ay di na maintindihan,

Humanap ka ng taong masasandalan

Masasandalan sa oras ng kabiguan,

Taong di ka huhusgahan,

Taong laging handa kang pakinggan,

Sa kahit ano pa mang kadramahan

Kung wala mang taong malapitan,

Alam mo naman ang kasagutan,

May nag-iisa kang malalapitan,

Siya ang iyong tawagan.

Di ba iba ang pakiramdam ng meron kang nahihingahan,

Yun tipong nabutan ka ng tinik sa lalamunan,

Ang problema mong pasan pasan,

Unti-unting pinagagaan.